HIDDEN CAMERA

3.4K 86 9
                                    

Merong isang college student na nag iisa lang na nakatira sa apartment niya.

Siya si Frank.

Araw araw pag uwi galing school, napapansin niya na parang araw araw na naiiba yung ayos ng mga gamit niya sa Apartment.

Hinayaan niya na lang muna hanggang sa isang araw ganun na naman ang nangyari.

Naiba na naman halos ang ayos ng mga gamit niya sa bahay.

At isang ideya ang pumasok sa isip niya.

Naalala niya yung ex niya.

Nagbreak sila 6 months ago.

Nakipag break siya.

Si Danica.

Hanggang ngayon, tawag pa rin ng tawag sa kaniya si Danica.

Lagi niya nakikita si Danica sa labas ng apartment niya na nakatingin sakaniya.

Hindi niya na lang pinapansin.

Dati iniisip niya na baka iniistalk siya ni Danica.

At ngayon sigurado na siya.

Bukas na bukas bibili siya ng hidden camera at kapag nakita nga niya na nakakapasok sa apartment niya si Danica, ipapakita niya agad yun sa police.

Siguro na kay Danica pa rin yung duplicate key na binigay niya dati nung sila pa.

Kinabukasan, kinabitan niya na agad yung hidden camera yun buong bahay.

At para mahuli niya kung si Danica nga yun nakakapasok sa bahay niya, umalis muna sya.

Nagpunta siya sa hardware para bumili ng bagong set ng mga lock para sa bahay niya.

...

Pagdating sa bahay, nilagay niya agad ang mga bagong lock sa bahay niya.

Pagkatapos niya mai ayos yung mga bagong lock, nag punta siya sa kwarto niya at nag check ng replay ng video na nakunan ng hidden camera.

As expected, nakita niya si Danica na pumasok sa apartment niya.

Nakita niya na paakyat si Danica papunta sa kwarto niya.

Huminto si Danica sa harap ng aparador niya.

Kinuha ni Danica sa bag niya yung isang kutsilyo habang nakangiti.

Hanggang sa nagtago si Danica sa aparador niya.

Unti unting kinakabahan at pinagpapawisan si Frank.

Hanggang sa nakita niya sa video na dumating siya.

Pumasok siya sa bahay.

Nag install ng lock.

Pagkatapos pumasok siya sa kwarto para manood ng replay ng video.

HANGGANG SA NARINIG NIYA NA UNTI UNTING BUMUBUKAS YUNG APARADOR NIYA...

---

Pa vote naman po. Thank you!

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon