Mag aanim na buwan ng nakakulong si Nathan dahil sa kasong Shoplifting.
Mabuti na lang at nag iisa siya sa kaniyang selda kaya nakatiis siya ng ganun katagal sa kulungan.
Ngunit isang araw ay nagulat siya ng merong ipasok na lalaki sa kaniyang selda.
Malaking lalaki ito. Gulo gulo ang mahabang buhok at balbas sarado.
Inupo ito ng tatlong pulis sa harap ng kama ni Nathan habang nakaposas ang kamay.
Ilang minutong katahimikan ang lumipas at nag angat ng mukha ang lalaki.
"Anong kaso mo?" tanong ng lalaki kay Nathan.
"Shoplifting?" sagot naman ni Nathan.
"Shoplifting? Congrats kosa." Sagot ng lalaki sabay tawa ng malakas habang umiiling iling.
"E ikaw anong kaso mo? Bakit ka andito?" yamot at inis na tanong ni Nathan sapagkat nainsulto siyang pinagtawanan siya ng lalaking kausap niya ngayon.
"Massacre." ang sagot ng lalaki. Napatingin ito kay Nathan at tumawa na naman ng malakas sapagkat nakita niyang napanganga at nanlaki ang mata ni Nathan ng sabihin niya ang kaso niya. Tila wala itong balak tumigil sa pang aasar kay Nathan.
"Wag ka mag alala, hindi naman ako pumapatay ng basta basta lang na walang dahilan." dugtong na sagot ng lalaki. "May katwiran naman ako kung bakit ako nakapatay ng limang tao."
"Walang makatwiran na dahilan ang pumatay ka ng kapwa mo tao." sagot naman ni Nathan.
"Siguro nga, may anak ka ba?" seryosong sagot ng lalaki.
"Wala pa eh, halos kakakasal ko lang nung makulong ako dito." sagot naman ni Nathan.
"Bakit? Ano ba ang shinoplift mo?" tanong ng lalaki.
"Condom" pabulong na sagot ni Nathan. Pero bago pa siya insultuhin ulit at asarin ng lalaking kausap ay inunahan niya na ito magsalita. "E kasi nung honeymoon namin sabi niya sakin ayaw pa niya mabuntis kaya nagnakaw ako ng condom. Nagkataon kasi na wala na kong pera nun at naubos sa gastos sa kasal namin ng asawa ko."
Naghihintay si Nathan na pagtawanan siya ng lalaki pero nanatili na seryoso ito.
"Pero teka, bakit ka nga pala nakapatay?" tanong ni Nathan sa lalaki.
"Dahil sa anak ko," mabilis na sagot nito. "Hindi kasi normal ang itsura ng anak ko. Ipinanganak siya na walang isang mata, wala siyang kilay at patulis ang kanyang tenga at ngipin. Kaya lagi siyang tinutukso na impakto at halimaw. Habang pinagbubuntis kasi ng misis ko ang anak namin, gumagamit ng droga ang misis ko kaya paglabas ng anak ko, naapektuhan ang itsura niya." mahabang paliwanag ng lalaki.
"At kapag tinutukso o pinagtatawanan ang anak ko, sobra kong nasasaktan. Kaya isang araw habang naglalakad kami ng anak ko, nadaan kami sa tindahan at meron limang babae. Nadidinig ko na pinag uusapan nila ang anak ko at tsaka sila nagtatawanan. Hindi ako nakatiis at pinagsasaksak ko sila isa isa ng balisong sa leeg." biglang humigpit ang hawak ng lalaki sa unan nito na halatang nagpipigil ng galit.
Napayuko si Nathan sa takot at awa para sa lalaking kausap. Para mawala ang init ng usapan nila sa selda ay tinanong niya ulit ito. "Saan ka pala nakatira pare?" tanong ni Nathan.
"Sa Cabanatuan, Sa Aduas pare. Kakalipat lang namin dun nung isang bwan." sagot ng lalaki.
"Aba malapit lang kami dun ah. Halos magkapitbahay lang tayo. Akalain mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo." sagot naman ni Nathan.
Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay bumalik ang tatlong pulis at binuksan ang selda para kunin ang lalaking kapapasok lang sa selda ni Nathan.
"Ililipat ka namin sa Maximum Security Prison, mabigat pala ang kaso mo." ang sabi ng pulis sa lalaki.
"Sige pare sa muling pagkikita!" ang sabi ni Nathan sa lalaki.
Bago umalis ay napalingon ang lalaki sa pader ni Nathan.
"Sino yan misis mo?" tanong ng lalaki kay Nathan.
"Ah oo pare, yan ang misis ko. Ang ganda no?"sagot ni Nathan.
Malungkot siyang tinignan ng lalaki bago ito hinila palabas ng selda.
Pero bago ito nakalayo ay nadinig niya ang sinabi ng lalaki.
"AKALAIN MO NGA NAMAN. ANG LIIT TALAGA NG MUNDO..."
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorreurMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
