12:07 AM na.
Narinig kong unti unting bumubukas ang aparador ko.
Unti unti akong napalingon dito.
Habang unti unti bumubukas ang aparador ko.
Unti unti din siyang lumalabas.
Nakaputi siya.
Sira sira ang damit.
Gulo gulo ang buhok.
Puro dugo ang mukha.
Labas ang isang mata.
Nakangiti siya sakin ng nakakakilabot.
May hawak siyang kutsilyo.
Palapit na siya ng palapit sa kama ko.
Palapit na siya ng palapit sakin.
Sinaksak niya ko sa mata.
Sa puso.
Winakwak niya ang leeg ko.
Sinaksak ang tyan ko ng paulit ulit.
Hanggang sa lumabas ang bituka ko.
Habang ginagawa niya yun ay tawa siya ng tawa.
Sigaw ako ng sigaw.
Pero alam kong walang makakarinig sakin.
BUTI NAGISING AKO.
Panaginip lang pala.
Pawis na pawis ako.
Tumingin ako sa orasan sa tabi ko.
12: 06 AM...
NARINIG KO NA UNTI UNTING BUMUBUKAS ANG APARADOR KO...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
