Pagod ako galing sa trabaho.
Sa wakas makaka uwi na ko.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko na bukas yung pintuan.
Dumating na siguro si Mahal.
Baliw talaga yun, iniwan pa na bukas yung pintuan.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, meron akong nadidinig na ingay sa kwarto namin sa taas.
Siguro maaga natulog si mahal.
Paano ilang araw at gabi ko na rin siya na nakikita na pagod lagi dahil sa trabaho niya.
Umakyat na muna ko sa kwarto para magpalit ng pang bahay ko na damit.
Tulog na tulog nga si Aaron sa kwarto namin.
Nakatalikod siya sakin.
Di ko na ginising.
Bumaba na ko sa kusina.
Ipagluluto ko na muna siya ng Sinigang na Baboy na paborito niya.
Pagkatapos ko na magluto, inayos ko na yun ulam at kanin sa lamesa.
Sakto nasa kusina ako ng merong tumawag sakin sa phone ko.
SI AARON YUNG TUMATAWAG.
"Mahal, medyo late na ko makaka uwi kasi andito pa ko sa office meron pa ko meeting ha?
Mag iingat ka dyan sa bahay, i-lock mo yun pinto. I love you."
SINO YUNG NASA KWARTO?
---
Pa vote naman po. Thank you :*
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
TerrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)