ANG ELECTRIC FAN

1.8K 35 6
                                    


Hindi ko alam kung bakit sobrang malas ng pamilya namin ngayong taon.


Sabay na nawalan ng trabaho si Mama at si Papa.


At dahil wala ng pumapasok sa amin na pera, naputulan na kami ng kuryente.


Pinalayas na kami ng landlord namin sa inuupahan namin na bahay.


At ang pinakamasakit sa lahat ay ang huminto kami na magkakapatid sa pag aaral at mapilitan na mag trabaho para makaraos sa araw araw.


Parating madilim ang aming bagong inuupahang bahay sa tuwing uuwi ako galing sa pagtitinda ng mais sa tapat ng eskwelahan.


Ng minsan na umuwi ako ng bahay ay wala akong nadatnan na tao.


Nagpunta ko sa kusina para kumuha ng kandila at lalagyan ng binili kong lugaw sa kanto.


Napatingin ako sa hagdanan namin...


Parang may nadidinig ako na yabag paakyat ng kwarto.


Hindi ko maaninag kung may tao doon sapagkat ang kusina lang namin ang merong kaunting ilaw dahil sa kandila na sinindihan ko.


Tinawag ko isa isa ang aking nanay, tatay at mga kapatid sa pag iisip na baka sila ang nadinig kong yabag paakyat sa kwarto pero wala.


Pinagpatuloy ko ang pagkain ng lugaw.


Pagkatapos kumain ay nakaramdam ako ng antok.


Naisipan ko na umakyat na sa kwarto.


Paghiga sa kamay ay nakaramdam ako ng init kaya binuksan ko ang electric fan malapit sa nakasarado kong bintana.


Biglang kinilabutan ang buong katawan ko at nakaramdam ako ng takot.


NG HAPLUSIN NG NAPAKALAMIG NA HANGIN ANG AKING MUKHA.


TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon