TULONG!!!

2.1K 38 4
                                        


"Miss na miss na kita baby. Buti na lang kasama na kita ulit." ang sabi sakin ni Aaron habang akap akap niya ko.


Na miss ko yung ganito.


Yung ang tagal kong hinintay na mangyari ulit to.


Ang tagal ko ipinagdasal na bumalik na ulit siya sakin.


Ang dami na kasing nangyari.


At hindi ko akalain na darating pa yung panahon na to.


Na magiging kami ulit.


Na makakasama ko siya ulit.


"Mahal na mahal rin kita Aaron. Buti na lang bumalik ka. Na miss kita baby! :)" tsaka ko siya inakap ng mahigpit. :)


Tinignan niya ko sa mata ko.


Hinawi niya yung buhok ko.


Hawak hawak niya yung pisngi ko.


Habang papalapit ng papalapit yung mga labi niya sa labi ko.


Na miss ko tong chinito na to.


Hanggang sa nagising ako ng dahil sa tunog ng martilyo.


Panaginip lang pala yun.


Nagising ako na ang dilim dilim.


Ang sikip sikip.


Nasa loob ako ng kabaong!!!


Hindi ako makahinga.


Hanggang sa naririnig ko na lang na unti unti ng tinatabunan ng lupa kung san ako naka pwesto.


TULONG........

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon