Dumating si Karmi sa bahay na nag aapura.
Opening daw kasi ng Khaliblu at gusto niya na pumunta.
Syempre di naman pupunta yan dun ng di ako kasama.
Nagbihis lang ako at umalis na kami papunta sa Khaliblu.
...
Pagdating sa Khaliblu, inom agad kami.
Tapos sayaw dito, sayaw dun.
Hanggang sa bigla ko naalala yung cellphone ko.
Kinapa ko sa bulsa ko.
WALA.
Tinignan ko sa table namin ni Karmi.
WALA.
Nagpunta ko sa CR at nag check din dun.
PERO WALA.
Dahil hindi ko talaga mahanap, nakitawag na lang ako sa cellphone ni Karmi.
Sinubukan ko na tawagan yung cellphone ko.
Pagkatapos ng dalawang ring, meron sumagot.
Mahihinang tawa lang yung naririnig ko tapos namatay na yun tawag.
Sinubukan ko ulit tawagan pero hindi na sinagot.
Hindi ko na mahahanap yun.
Siguro meron ng ibang nakakuha nun.
Sayang naman.
Naisipan ko na lang na umuwi.
---
Pagkauwi ko...
Pagpasok ko sa kwarto...
NAKITA KO YUNG CELLPHONE KO SA IBABAW NG KAMA KO.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
