Merong isang tunnel sa isang lugar na kinatatakutan ng lahat sa dahilan na haunted daw ito.
Meron daw isang babae na nagpapakita sa tunnel na yun.
Hindi matahimik dahil dun siya ginahasa at pinatay sa mismong tunnel na yun.
...
May 3 magkakaibigan ang naisipan na pumunta sa tunnel na yun ng alas dose ng gabi para masubukan kung matapang silang tatlo.
Nun andun na sila sa tapat ng tunnel, wala silang makita kundi dilim.
Wala silang maaninag na kahit na ano.
Naisipan nila na tumakbo simula sa bungad ng tunnel hanggang sa makarating sa dulo na magkakahawak ng kamay.
Si Joanne, Si Karmi at si Krystal.
Sinimulan na nilang tumakbo sa loob ng tunnel.
Habang tumatakbo sila, wala silang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw.
Nung makarating na sila sa dulo, tawa sila ng tawa habang hinihingal.
"Hanep, wala naman pala multo dun sa tunnel na yon." Sabi ni Joanne.
"Buti na lang nasa gitna ako nung tumatakbo tayo. Haha." Sabi ni Karmi.
AKO DIN. BUTI NASA GITNA DIN AKO. HAHA " Sabi naman ni Krystal.
NAGKATINGINAN SILANG TATLO TSAKA SILA NAGTITILI HABANG TUMATAKBO.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
TerrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)