TAGUAN

1.9K 40 3
                                    


Nagyaya ang bunso kong kapatid na makipaglaro sakin ng taguan.


Pumayag na rin ako dahil wala naman akong ginagawa.


Maliban dun ay kaming dalawa lang ang naiwan sa bahay dahil may pinuntahan na kasal sila mama at papa.


Nag jack en poy kami ni bunso para malaman kung sino ang taya.


Ako ang taya.


Sinimulan ng tumakbo ni bunso.


Nagsimula na rin ako na mag bilang.


ISA..


DALAWA..


TATLO..


APAT..


LIMA..


ANIM..


PITO..


WALO..


SIYAM..


SAMPU..


Tahimik akong pumunta sa kwarto nila mama at papa.


Dun kasi madalas magtago si bunso.


Dun sa malaking cabinet.


Pagpasok ko ng kwarto ay dahan dahan akong lumapit sa cabinet.


Pero bago ko yun mabuksan ay nahagip ng mata ko ang salamin at nakita ko na may nakausli na maliit na mga paa sa ilalim ng kama ni mama at ni papa.


"Aba nakahanap na ng ibang tataguan si bunso ha." bulong ko sa aking sarili.


Dahan dahan akong naglakad palapit sa kama na kunyari ay hinahanap ko pa rin siya.


"Nasaan kaya nagtatago si bunso?" pagpapanggap ko at nakadinig ako ng mahinang tawa.


Ng nasa tapat na ako ng kama ay mabilis akong lumuhod at itinaas ang sapin na tumatakip sa ilalim ng kama ni mama at papa.


"Bulaga! Huli ka!!!!!!"


Andun nga ang aking kapatid.


Nakahiga at nakatitig lang sakin.


Nginitian ako nito.


Ngunit laking gulat ko ng makita na nangingitim ang mga ngipin nito.


At parang nawala ang kulay itim sa mata ng kapatid ko.


Maya maya ay narinig ko ang paglangitngit ng cabinet.


At ang matinis na boses ni bunso.


BULAGA!!!




TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon