Chapter 1

295 22 9
                                    

shinchan_4869

Cecilia's POV

"That's what you get when you let your heart win!"

Wooo! Ganun 'yan! Akala niyo may forever? Wala mga chong! Wala!
Puro kasi kayo puso! Puro kayo--

"Cecilia!"

Kainis! Nag-momoment ako dito eh, talaga 'tong si Yaya eps lagi.

"Bakit Yaya?" sagot ko nang hindi man lang siya pinagbubuksan ng pinto.

"Buksan mo muna kaya ang pinto Cecilia" ani Yaya

"Ano ba kasi yon?" sagot ko nang pagbuksan siya ng pinto.

"Hala Cecilia bakit ganyan ang kwarto mo? Sobrang gulo!" pagtatanong ni Yaya na akala mo talaga siya ang naglilinis ng kwarto ko.

"Yaya hindi ko binuksan ang pinto para pagmasdan mo ang kalat sa kwarto ko" inis kong sagot.
"Ano ba kasing kailangan mo?"

"Cecilia ano kasi--"

"Tama na nga kaka-Cecilia, pang 64 mo ng Cecilia 'yan"

Boset si Yaya sa umaga.
Kainis.

"Oh sige po, kasi itatanong ko lang po kung sa inyo itong CD?" hinarap niya sa akin yung CD na puno ng sulat ng marker, ang baboy ng CD ang dumi na rin. Wala akong ganung CD kasi puro nakaayos lahat ng akin dahil may pirma yung iba ng mga idols ko.

"Hindi 'yan sa akin" sagot ko.

"Pero tignan mo ang laman Cecilia, diba ito yung idol mo?" Nilabas niya yung laman at halos maluwa ko ang bubble gum na kanina ko pa nginunguya sa nakitang kong laman ng CD.

Lintik! Paramore! Yung Riot album nila yun! Putspa paano ito nalabas sa kwarto ko at ang baboy na ng harap, puro sulat ng marker, may kung ano pang drawing! Errrrg!

"SHIT!" sigaw ko.

"Cecilia 'wag ka namang magmu--"

"Leche Yaya! Sinong kumuha niyan sa cabinet ko? Nang mapatay ko! Ikaw ba Yaya?" galit na galit na ako at talagang 'di na makapagtimpi sa nangyari sa CD ko.

"Cecilia hindi po ako, yung kapatid mo, nakita ko na lang na hawak niya 'yan tapos sinulatan niya" ani Yaya

WTF? Alam naman ni Yaya na ingat na ingat ako sa mga CD ko eh. Tapos ganun na lang nangyari.
Kinuha ko kay Yaya ang CD at dumiretso ako sa kapatid ko nang masermonan ang baliw na yun. Malilintikan talaga siya sa akin.

"Cecilia 'wag ka namang magalit sa kapatid mo, bata lang siya"

"Tse!" inis kong tugon

Dali-dali kong pinuntahan sa.kwarto niya ang magaling kong kapatid.

"Hoy Eli! Buksan mo 'tong pinto! May papakita ako sa'yo! Humanda ka!" sigaw ko sa harap ng pintuan ng kwarto niya.

Agad din namang binuksan ni Eli ang pinto. Nagulat ako dahil umiiyak siya. Humahagulgol na parang inagawan ng candy. Bigla niya na lang ako niyakap at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Teka, teka Eli anong iniiyak mo.diyan?" pagtatanong ko sa kanya nang bumitaw siya sa pagyakap.

"Ate huhuhu."

Hay nako, siguro dahil 'to sa CD kaya nagpapaawa sa'kin 'tong batang 'to. Hindi na pala siya bata, Jusko 12 years old na isip bata pa rin, may paiyak-iyak pang nalalaman para hindi ko lang masermonan.

Galing. Mana sa ate.

"Elie Batacandulo 'wag mo akong madramahan diyan ha! Luma na 'yan! Nakikita mo 'tong CD?" pagtataray ko sa kanya.

"Opo ate, nakikita ko po, may mata rin naman ako" saad niya.

"Aba sumasagot ka na bunsoy? Halika nga dito gugulpihin kita!"

"Ate 'wag po, ayoko pa pong mamatay, mag-aasawa pa ako" pagmamakaawa niya.

"'Wag ka ngang OA diyan, gugulpihin lang 'di kita papatayin, at saka anong asawa? Ako nga walang bf ikaw asawa na agad iniisip?"

"Ate, broken-hearted kasi ako. May nakita akong CD, napagtripan ko lang 'wag mo na ako gulpihin"

Nagpout pa ang loko. Hay, kung hindi ko lang kapatid 'to eh.

"Eli ha, bata-bata mo pa puro puso ba 'yang pinapairal mo. Umayos ka." pangaral ko.

"Sabi mo ate 'di na ako bata?"saad niya.

"Lumalayo na tayo sa usapan eh, baka nakalilimutan mo 'tong CD ko?"

"Sorry na ate kasi--"

Hindi pa tapos sa pagdadrama si Eli, umeps nanaman si Yaya Bing.

"Cecilia, paalala ko lang 9 am na"

Oh my! Putspa 9am na pala? 10 am pasok ko 'di pa ko nakakapagbihis, toothbrush, suklay, sapatos at pulbo! Eeeerg!

"Yaya bakit 'di mo sinabi agad? Late na ko babyahe pa ko!"

"Eh busy kayo ni baby Eli sa drama niyo eh" saad niya.

'Di ko na pinansin sinabi ni Yaya at iniwan ko na rin sa hangin ang pagtatalo namin ng madrama slash paepek kong kapatid. Dali-dali akong nag-asikaso ng sarili para makahabol pa ko sa first subject.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, nagpaalam na ako sa dalawang paepek na tao sa bahay, kay Eli at Yaya Bing.

"Mga eps! Bye bye na! Eli, oy hindi pa tayo tapos, humanda ka sa akin pag-uwi ko. Bye!"

"Ingat ka ate! Mamahalin ka pa niya!" pangangasar ni Eli.

"Tse! Bye!"

Wala pa naman si Kuya Fred ngayon, ang driver namin. Kaya no choice, commute kung commute. 'Di rin kasi ako marunong magmaneho saka wala pa akong lisensya eh, hays.

'Di naman kalayuan ang school namin, mga tatlong bundok at limang ilog lang kaya nakarating ako ng school ng bandang 10:20 am na rin.
Late na ko hays.

Dali-dali akong tumakbo sa room naming nasa 4th floor pa pagkarating ko ng school. Kung mamalasin ka nga naman. Boset!

At nadagdagan pa ang kamalasan ko sa pagtapon ng lalaking nakabanggaan ko sa corridor ng juice na hawak niya.

"Ugh! Ano ba 'di ka ba nag-iingat ha? Ang lampa mo naman kalalaking tao mo!" galit kong sigaw sa kanya.

"So-sorry miss" ani niya.

Dinampot niya ang lalagyan ng natapon niyang juice at kumuha ng kung ano sa bulsa niya. Nilabas niya ang panyong gray at pinunas niya sa braso kong natapunan. Ang lagkit na. Boset!

'Stop it!" ani ko.
"You don't have to--"

"Natapunan kita sorry. Sorry ang lampa ko" saad niya.

Tuningin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

Wow, brown eyes huh.
Stop it man!
Don't stare or else...

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon