Chapter 24

38 7 0
                                    

Just an ordinary song for a special girl like you. From a simple guy who's so in love with you...


Hirap pa akong idilat ang mga mata ko nang may marinig akong boses na kumakanta. Damn! Bakit siya nandito sa kwarto ko?

"Goodmorning princess"aniya saka ako hinalikan sa noo.

Napatulala lang ako at hindi nagsalita. Na'san na ang kapatid ko? Ugh! Baka may muta pa ako? Nakakahiya kay Earl!

Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo. Naghilamos at nagmumog muna ako bago lumabas. Nakaupo pa rin siya sa kama ko.

"Na'san si Eli?"tanong ko saka umupo sa tabi niya

"Nasa baba na, kumakain ng cereals"sagot niya naman at saka ngumiti

Tumango lang ako at tinignan siya. Nakabihis na siya. Mukhang sinadya niya talagang puntahan ako sa kwarto para daanan. Kung hindi pa siguro siya pumunta dito ay hindi pa ako magigising.

"Anong oras na Earl?"

"9 am na"aniya nang tumingin sa relo niya.

Ilang oras na lang pala bago ang flight niya. Hay, pwede bang ihinto muna ang oras kahit ngayon lang.

"Oh, baka mahuli ka ha"ani ko saka umiwas ng tingin. Ayokong makita niya na malungkot ako.

"Sakto lang, paalis na rin ako. Hinintay lang kita magising"

"Kanina ka pa ba nandito?"takang tanong ko

"Hehe Oo"

Nahiya tuloy ako dahil baka kung anong itsura ko habang natutulog.

"Sige na, babyahe ka pa"

Bumaba na kami at hinatid ko siya sa gate at nagpaalam din si Eli sa kanya. Taxi ang naghihintay sa kanya. Wala naman kasing driver 'to kundi siya.

"Kuya Earl balik ka ah"ani Eli na kita sa mukha niya ang lungkot.

"Sige na Earl, pumasok ka na"ako naman na ngumiti ng pilit sa kanya.

"Bye baby I'll miss you"

Mas lalo akong nalungkot nang magsalita siya. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako bago sumakay sa taxi.

"Ingat ka kuya!"paghabol pa ni Eli na kumakaway kay Earl hanggang sa tuluyan na itong nakalayo.

Naiwan naman akong tulala at nakatayo pa rin sa labas ng gate.

"Hindi naman halata ate na miss mo na si kuya Earl"bulyaw ni Eli saka pumasok sa loob. Bumuntong hininga lang ako at pinagaan ang loob saka ako pumasok.

Nagayos na rin ako ng sarili at bahay namin. Darating pala dito ang tropa pati si Georgina.

Nagalmusal na rin ako at naghanap ng ieexchange gift ko sa kanila. Mabuti na lang at may nabili na ako nung nakaraan. Latest perfume pa 'tong ireregalo ko kaya 'pag nakatanggap ako ng kung ano sa kanila babatukan ko talaga ang mga yon.

May mga decoration na rin pala sa bahay na nilagay si Yaya Bing. May mini Christmas tree rin kami na may temang white christmas dahil puti ito at may mga snowflakes na nakasabit.

Sa pagaayos ko ngayon sa kwarto ko ay nakita ko yung binigay sa akin ni Earl na bracelet. Sinuot ko ito at napangiti.

"He's mine" bulong ko nang basahin ko ang nakalagay dito.

Walang ano'y tinext ko si Earl. May text na rin si Chris sa akin na nagsasabing maghanda daw ako kahit snacks at beer. Wala pang pasko ay humihirit na 'tong mga 'to.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon