Chapter 11

63 13 0
                                    

Thankyou ho sa inyong mga boto at kumento!
Kayo ang dahilan kung bakit ko pa ipinagpapatuloy itong aking nasimulan hehehe.
shinchan_4869







Chapter 11

Cecilia's POV

" If we fall in love
Maybe we'll sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love
Anywhere with you would be a better place"

Naaalala ko pa rin yung kinanta ko kagabi habang pinapakinggan ako ni Paul. Nakatitig siya sa akin. Para sa kanya talaga yung kantang pinili ko.

Marami kaming pagkakapareho ni Paul. Parehong bokalista at rakista. Pareho kaming may tattoo. Sa kanya sa leeg, ako naman sa batok. Pareho kaming mahilig sa mga banda. Naalala ko rin kagabi na panay kain siya ng dessert. Isa pa yun sa pagkakapareho namin, mahilig kami sa sweets.

Talagang compatible na kami sa isa't-isa. Pwedeng-pwede na kaming dalawa.

Pero hindi ko nakikita sa kanya na may interes siya sa akin. Kinakausap, nakakatext at nakakatawagan ko pa siya. Pero hindi ko pa rin siya ramdam. Parang hindi buo, parang may kulang na gusto kong makita o mangyari.

Nung umuwi kami ni Earl kagabi agad naman siyang pumayag. Akala ko, pipigilan niya ako, hindi pala.

Nauna na kami ni Earl at si Zoey naman nagpaiwan, magpapasundo na lang daw. Panay ang inom niya kagabi parang may problema siya, nakauwi naman siya ng ligtas siguro.

Habang nakatunganga ako sa kwarto ko ngayon, may mga bagay na bumabagabag sa akin.

Hindi ko natanong si Earl tungkol sa picture ko. Tahimik lang din siya kagabi at pana'y lang ang payag sa sinasabi ko. Ewan ko pero, parang nag-iba ang mga ngiti niya.
Masiyado kasing pilit, nahahalata ko yun dahil nung una hindi naman siya ganun. Ewan ko sa kanya, kasing labo niya yung mata niya.

Pero paano kung may tinatago 'tong si Earl sa akin?

Ughhhh! Ayoko siyang pag-isipan ng masama! Ang bait-bait niya eh!

Tanungin mo na kasi! Baka may balak 'yan sa'yo!

Nagtatalo yung dalawang konsensya ko sa kung anong gagawin ko. Langya bakit kasi dalawa? Ewan.

*Cellphone ringing*

Aga naman tumawag nito.

"Hello sino 'to?"

"Girl, tignan mo kaya pangalan ko sa cp mo!"

"Ay hehe. Ikaw pala Jas, oh bakit?"

"Nakakainis ka!"

Mas nakakainis ka! Aga-aga eh. Ano ba agenda nito sa akin?

"Bakit ba?"ani ko

"Perfect niyo na ba? Hoy girl bukas na birthday ko! Pakyu ka!"

"Pakyu ka rin!"

Makapakyu 'kala mo pinapakain ako eh.

"'Pag 'di 'yan okay sasambunutan kita bukas! May iba pang bandang kakanta 'di lang kayo kaya umayos ka!"

"Ingay mo! Oo na!

"Pak--"

Pinatayan ko na agad bago pa ko mamura ng babaeng 'to. Onga pala, 'di ko namalayan bukas na pala birthday ni Jasmine. Okay na naman yung kakantahin namin, isa lang naman kasi kaya mabilis lang naming natapos. Invited ang PIXMA band at ilan pang mga banda sa school kaya medyo kinakabahan ako.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon