"Mom..."
"Happy New year and sorry to say na kailangan lang namin ng quality time ni Cecilia"
"Mom stop--"
"Anyway thanks for this cake"
I can't control my Mom. Wala na lang akong nagawa sa pagharap niya kila Earl at Tito. Hindi ko rin alam kung bakit hindi kumikibo si Tito Ed. Si Earl naman ay umuoo nalang at hindi alam ang isasagot kay Mom. May namumuo ng luha sa aking mga mata. I really can't handle this.
"Welcome po Tita. Sige po kauuwi niyo lang po kaya siguro po ay kailangan niyo pa ng oras nila"
"Earl--"
Pipigilan ko pa sana si Earl na pumasok sa kotse nila pero hinigit ako ni Mom. Just then, parang nadurog ang puso ko sa nakita kong ekspresyon ni Earl. He was so upset. Pinilit niya lang ngumiti para mapakita sa akin na okay lang siya.
Hindi nagtagal ay umalis na sila ni Tito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ako papuntang kwarto. Tinatawag ako ni Mom pero nagpatuloy lang ako. Sa kwarto na bumagsak ng tuluyan ang luha ko.
"Cecilia" pagtawag sa akin ni mom galing sa pintuan ng kwarto ko.
"Hindi naman kailangang maging kumplikado 'to. So, open your door coz we have to talk"
Hindi ko naman ugali na magkulong sa kwarto. Kailangan din naming magkaunawaan ni Mom. Dahil doon ay binuksan ko ang pinto.
Pumasok si Mom sa kwarto at umupo kami sa kama ko. Handa akong makinig kay Mom. Hindi niya naman kami pinalaki na maging makasarili at intindihin lang ang pansariling kagustuhan.
"Sweetie...kung sa tingin mo ay ginawa ko yun para mapahiya kung sino man ang manliligaw mo, no. Hindi--"
"But I really don't understand Mom. Hindi ko maintindihan ang sinabi niyo kanina"
"I know. Pero totoo yun Cecilia"
Napahinga ako ng malalim sa narinig ko nanamang sinabi ni Mom.
"Mom? Mahal ko si Earl" tahasan kong sinabi kay Mom
"How can you say? Ilang months, weeks or days mo na siyang kilala? Alam mo ba ang background niya? Ang family niya?"
"It doesn't matter mom. Mahal namin ang isa't-isa"
Hindi ako makatingin ng diretso kay Mom. Hindi ko na talaga kayang marinig pa ang ibang sasabihin ni Mom. But damn. I don't have a choice kundi pakinggan si Mom.
"It matters Cecilia! Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi makasagot o makapagsalita man lang ang Dad niya?"
Sandali kong inalala ang pangyayari kanina. Nakakapagtaka nga na hindi kumikibo si Tito Ed kay Mom.
"Why Mom? What's with Tito Ed?"
Napabuntong hininga pa si Mom bago magsimula muling magsalita.
"Isa siya sa dahilan kung bakit nawala ang Dad mo sa atin" malungkot na pagsasalita ni Mom. Nakikinig lang ako't naramdaman kong tumulo ang luha ko nang maalala ko si Dad.
"That damn party sa yate na nirentahan nila. Natatandaan ko siya. Siya ang nakausap ng Dad mo about sa yate. Wala siya nung lumubog yun. Hindi siya nakasama. Siya ang nagprisinta mg yate for party! That's the party ng iba't-ibang kumpanya. After nun ay nawala nalang siya bigla! Now tell me Cecilia! Kilala mo ba siya talaga?!"
"Mom.." hindi ko magawang magsalita dahil umiyak na ako ng umiyak sa mga nalaman ko. I really love my Dad more than anything else. I'm a daddy's girl. Sobrang malapit kami ni Dad sa isa't-isa. Kaya sa mga nalaman ko. Nadurog na ng sobra ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Подростковая литератураDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...