Chapter 16

51 11 2
                                    

Nasa isang playground kami ngayon kung saan itetake ang una naming eksena ni Earl. I was like, what the heck 'tong pinaggagawa namin. Kita naman sa tropa ko na pinagtitripan kaming dalawa. Bwisit!

"Ayos upo Ces!" sigaw sa akin ni John na tila naging director ng music video namin.

Nakaupo kami ngayon ni Earl sa duyan ng playground. Ang eksena raw ay magduduyan kaming dalawa habang nakatitig sa akin si Earl. Napaka corny. Sakto raw kasi sa kantang napili ng tropa ko.

"Smile ka lang at tumingin tingin ka rin sa kanya ha. Don't be shy. Just go with the flow" ani ni Georgina, ang girlfriend ni Chris.

She's so flawless and beautiful. No wonder na patay na patay si Chris dito. Witty na pretty pa. She's taking a course na may kinalaman sa acting, theater and so on. Kaya nagpatulong kami sa kanya sa paggawa ng mga eksena sa music video.

"Papatugtugin ko na ha!" Ani ni Jef saka nagplay ng kanta para masabayan namin ang flow

Nakahinto lang muna kami ni Earl habang nakatitig sa isa't-isa. Nakangiti siya habang seryoso naman ako. Mukhang makakailan kaming take dito dahil 'di ko kayang tumitig kahit 5 seconds lang sa mga mata niya. Ugh! 'Di ko kaya!

"Cecilia! Anong ginagawa mo?" pagalit sa akin ni John"Nangangawit na yung videographer oh!"

"Sorry take two na lang hehe"

Tinignan lang nila ako ng masama. Pasensya kayo kaya. Kasi naman 'di ko kaya! Walang salamin si Earl ngayon dahil pinatanggal ni Georgina. Contact lense lang ang suot niya para sa malabo niyang mata.

That's why hindi ko makaya tumitig. Ugh!

"Relax baby"

Oh my God. Did he just said that?

"Babe ka diyan! Actingan lang oy!"

Tinawanan niya lang ako at umayos na kami bago pa uminit ang ulo nila John.

"In three two one action!"

No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to

Sumabay lang ako sa flow habang dumuduyan. Magkatitigan lang kami ni Earl. Tila nasa isang eksena ng magkasintahan na puno ng pagmamahal sa isa't-isa.

'Cause there something in the way you look at me

Tumayo si Earl at siya ang tumutulak ngayon sa pagduyan ko. Nakangiti lang ako at ngumingiti sa camera.

Nakatitig lang sila sa amin ni Earl. Nakatayo na kami pareho at hinawi niya ang buhok ko. Nanindig balahibo ako sa ginawa niya. 'Di pa siya tumigil sa pagpapakabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko. Wala sa script 'to oy!

"And..Cut!" sigaw ni Georgina. Kainis naman nandun na eh. Malapit na kaming...maglapit sa isa't-isa. Yun nga.

"Ayos tol ah! Mga titig mo rin kay Earl kunwari ka pa" pangangasar ni Chris saka ngumisi.

"Tse!"inirapan ko lang ang loko.

"Anong sunod na eksena?"saad ni Jef habang nililigpit ang  speaker.

"Mamayang gabi para maganda ang mga ilaw sa paligid"sagot naman John

"Uwi muna kami"ani ko para makapagpahinga muna si Earl.na kagagaling lang din pala nito, baka mabinat.

"Sige kitakits na lang mamaya sa venue" si Chris saka sila pumasok sa kotse niya kasama si Georgina. Ngumiti lang ako sa couple. Napakasweet nila na magkahawak pa ng kamay habang hinahatid ni Chris si Georgina sa passenger seat.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon