Chapter 10

73 12 4
                                    


Earl's POV

Malabo ang mata ko. Pero malinaw sa akin ang pagtingin ko sa kanya.

"Ang lampa mo naman kalalaking tao mo"

Ang ganda talaga niya.
Nung nagkabanggaan kami sa corridor at natapunan ko siya ng juice, tuwang-tuwa ako kaya 'di ko mapigilan ang pagngiti ko sa kanya. Mukhang asar na asar siya sa akin nung mga oras na yun.

Totoong irregular ako dahil sa nangyari sa aking depression. Pero yung sinabi ko sa kanya na walang slots sa amin ay imbento ko lang.

Hinanap ko talaga ang section at course niya. Napakaswerte ko nun dahil may slot pa sa kanila sa Literature na pwede kong pasukan.

Simula kasi nung mapanood ko siya at ang banda niya na tumugtog noon sa school, hinanap ko siya. Akala ko hindi ko na siya makikita, pero nagtiyaga ako na mahanap siya kahit irregular ako.

Natuwa ako nung nalaman ko na malapit lang ang bahay niya sa amin. Nakita ko kasi sa I.D. niya yung address at contact number niya na agad kong kinabisado.

Kaya nabigay ko agad yung sulat sa kanya. Alam kong old style na yun pero wala akong choice kasi hindi siya nagrereply sa text ko. Tinext ko siya nung araw na natapunan ko siya ng juice pero mukhang 'di siya nagbabasa ng text kapag number lang at 'di niya kilala.

Ayos lang kasi nabigay ko naman yung sulat. Sana lang binasa niya. Nung babawiin ko na kasi ayaw niya ring kunin ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya na ibalik.

Hindi ako kumakain ng balut kaya nung gusto niya akong bigyan ay tinanggihan ko. 'Di ko lang masabi kasi yun ang dahilan kong sinabi sa kanya kung bakit ako nasa labas nung gabing yun. Nagkataon lang na naglalakad lakad ako nung gabing bibili siya. Gabi-gabi kasi lumalabas ako, nagpapahangin at nagiisip-isip.

Kaya nung narinig ko siyang sumigaw. Natuwa ang puso ko. Parang may narinig akong magandang tinig ng isang babae. Nakakatuwa siya kasi para siyang bata na gustong makabili ng isang bagay pero wala siyang dalang pera.

Siya ang pinakaunang napagsabihan ko tungkol sa nangyari sa mom ko at sa akin. Nakatutuwang pakiramdam kasi nakikinig lang siya habang nagkukwento ako. Muntikan pa akong maiyak buti na lang napigilan ko. Nakita ko kasi ang ngiti niya na parang nagsasabing 'wag akong iiyak.

Wala akong ibang maisip na paraan para maparating ko sa kanya at malaman niya ang nararamdaman ko. Maayos ang pakikitungo sa akin ng mga kaibigan niya pero kahit sa kanila ay hindi ko masabi.

Natotorpe ako sa kanya. Pakiramdan ko kasi ay kaibigan lang ang turing niya sa mga lalaking kinakausap niya.

Mas lalo ko pang tinago ang nararamdaman ko dahil sa mga ngiti niyang ngayon ko lang nakita at dahil yun sa lalaking gusto niya.

Nung kinausap siya nung Paul habang nakatayo lang ako sa kabilang gilid, wala akong nagawa at nasabi kundi ang tignan lang sila.

Nakikita ko ang kislap sa mga mata niya sa tuwing nagsasalita ang lalaking gusto niya.

Pinilit kong ngumiti sa mga oras na yun kahit parang pinapako yung puso ko sa sakit. Hindi naman mahirap magpanggap na masaya, ang mahirap ay kalimutan ang nararamdaman dahil alam mong wala kang pag-asa.

Sa pagsulyap ko na lang sa kanya ng palihim ko dinadaan ang kulang na parte dito sa puso ko. Hindi ko siya magawang kausapin, hindi ko magawang mapakita o masabi man lang sa kanya ang nararamdaman ko. Ayoko kasing patuloy na siyang mawala sa akin at umiwas kapag nalaman niyang meron akong tinatagong pagtingin sa kanya.

Kung nababasa niya nga lang ang bawat ngiti ko sa kanya, marahil matagal niya ng alam ang sinasabi nito. Ang binabanggit nitong pangalan na walang iba kundi siya.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon