Chapter 39

31 5 4
                                    

rednuehtkrad


What a good start of morning, late ako. May problema talaga kasi ako sa paggising. Kahit mag-alarm pa ako ng apat na beses ay hindi pa rin magising ang katawang lupa ko.

So then, pasukan nanaman. Tapos na saglit na vacation ng Christmas at New year. Hindi naman gaanong tambak ang gawain namin. Ito lang na professor naming balakid sa buhay namin ay nagpagawa ng apat na essay about sa mga nangyari sa vacation. Dahil major in English ako, duguan talaga sa paggamit ng English.

"Kumpleto mo na essays natin pre?" tanong ni John kay Jef. Nasa room kami ngayon habang hinihintay ang prof namin sa isa naming major. Si Zoey naman ay kanina ko pa hinihintay din hanggang ngayon ay wala pa. Late ako sa first subject kanina siya naman ay hindi pumasok.

"Oo naman" sagot ni Jef na tinaasan pa ng kilay si Chris at John. Nagkulitan lang sila habang wala pang professor. Ang ingay lang sa room at nagkukwentuhan ng kani-kanilang saglit na bakasyon.

Si Chris na ang happy ng lovelife dahil nagkaayos na talaga sila ni Georgina. Ngayon ay ganado lagi dahil mukhang pinaglalaanan niya lahat ng ginagawa niya para kay Georgina. How sweet. Anyway darating din tayo diyan.

"Hindi ko pa nakikita si Earl, kayo na ba?" tanong ni Jasmine na tumabi sa akin. Nagulat ako bigla sa tanong niya.

"Ha..ano..hindi pa" iyon na lang ang nasagot ko. Nakakakaba naman itong si Jasmine.

"Why naman--"

Napahinto siya ng may pumasok sa room. Dumating na pala ang prof namin for second subject. Akala ko ay magkukwento siya o magtatanong sa amin kung kumusta ang bakasyon pero hindi, naglesson agad at pinapasa ang apat naming essay.

Ang boring talaga sa subject ni Mrs. Corpuz. Napakaformal at puro pa written works.

Natapos lang ang subject na iyon pero wala pa rin si Zoey. Wala na kaming next subject pero hindi agad ako umuwi. Gusto ko lang pumunta ng garden kung saan ako lagi tumatambay dito. Pinauna ko na rin sila Jef na umuwi kung uuwi man sila.

"Ang ganda pa rin talaga dito" sabi ko habang pinagmamasdan ang puno at halaman. Dito sa lugar na ito ko unang napagtanto na maaring gusto ako ni Earl dahil sa nalaglag na picture ko galing sa libro niya. Napangiti ako ng bahagya.

"Seems so happy?"

Napalingon ako sa boses na nanggaling sa likuran ko.

"Yosh! Oh nakapasok ka? Wala ka na bang klase sa inyo?"

"Uhm yeah. I just want to see what your school looks like" sagot niya saka umupo sa palagi ko ring inuupuan dito. Sa sementadong pabilog na upuan.

"Ah. Gusto mo bang maglibot?"

"No thanks. I like to stay here. This place was so relaxing"

Napangiti na lang ako sa kanya at umupo rin ako.

Ayos na kami ni Yosh. Hindi ko rin alam kung paano pero bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Bumalik siya sa dating palangiti at kalmado. Hindi ko rin alam pero mukha namang kumportable na siya sa amin ni Earl. I really don't know. Pero kung ano man ang dahilan niya ay hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay magkaayos na kaming dalawa.

"Where's Earl? Is he has a class now?" tanong ni Yosh. Medyo nahahalata kong tinitignan kami ng mga classmates at mga kakilala kong napapadaan sa gawi namin. Nagtaka tuloy ako.

"Ah yeah, kapapasok niya lang. Gabi na rin ang uwi niya"

"Oh, I see. Then I must be the one to bring you home" aniya saka ngumisi.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon