Chapter 22

41 8 4
                                    

Hindi naman talaga ang love ang kumplikado sa dalawang tao. Kundi tayo mismo. Tayo ang humuhulma ng feelings diba? Tayo ang magdedesisyon kung dapat na ba o hindi pa.

Nung mga panahon na naghahanap ako ng pagmamahal kay Mom ay wala akong mahanapan kundi si Eli at Yaya Bing, at siyempre ang tropa ko. Sila lang naman kasi ang nagbibigay ng ibang kulay sa buhay ko. Kung wala sila ay isa lang akong buhay na boring. Pero naiisip ko ngayon? Kailangan ko ba talaga ng ibang kulay sa buhay ko? Kung guguluhin niya lang naman pala. Kung siya lang pala ang magiging dahilan kung bakit ito masisira.

"Aray!" inda ko sa biglang pagpitik sa akin ni Jef sa noo.

"Kakanta ka ba o tutulala?" inis niyang wika sa akin. Kanina pa pala ako tuliro. Tinawanan lang ako nila Chris at John at inumpisahan ko ng kumanta.

Nasa music studio nila kami ngayon. As usual tumutugtog. Ito na ang libangan namin eh. Parte na ng buhay namin ang pagtugtog.

Nakagagaan din ng loob ko ang pagkanta. Masakit pa rin kasi 'to. Hanggang ngayon kahit dalawang araw na ang nakararaan nung umiyak ako dahil kay Earl. Nilapitan niya ako kahapon sa school pero 'di ko siya pinansin. Hinabol niya ako hanggang makasakay sa kotse namin pero hindi ko pa rin siya kinausap.

Mas malabo pa kasi siya sa mata niya. Tinitiis ko lang na hindi siya pansinin para hindi ako magpadala sa puso ko. Ayokong umasa nanaman sa kanya. Ayokong pakinggan ang pero niya.

Natapos akong kumanta at naupo lang kami sa sala nila Jef habang lumalantak sila ng snacks. Tinitignan lang ako ng mga mokong na wari'y inaabangan ako magkwento.

"Ano?"pagtataka ko sa mga titig nila

"Na'san na ang puso mo?"si Jef na seryosong nakatingin habang ngumingisi lang yung dalawa sa gilid.

"Ano na bang balita Ces?" ani John na nagaabang ng sasabihin ko.

"Tumigil na kayo, walang--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang magring ang phone ko. Nagtinginan pa kaming apat bago ko sagutin.

"Teka"saka ako pumanta ng labas ng pinto nila Jef

"Hello Sino 'to?"

"Tignan mo yung pangalan ko sa phone mo"

Alam ko na agad kung sino. Kahit matagal ko nang hindi naririnig ang boses niya kilala ko na siya. Mahirap makalimutan ang higad no.

"Ah excuse me nagbura kasi ako ng number ng mga hayop nasama ka ata"

"Friend nakikipag-usap na ako ng maayos"

"Tutuut! Ha? Chopy ka chopy tuuututtuut"

Binaba ko na agad yung tawag ng babaeng yun. Ang kapal niya tumawag. Wala talagang bahid ng hiya sa katawan. Wala pa ako sa tino na makipagbolahan sa kanya.

Babalik na ako sa loob nang tumawag nanaman siya. Aba, sinusubukan talaga ako nito ah. Ngayon pa na depress ako! Humanda ka.

"Hello! Ano? Tatawag tawag ka tapos ano? 'Wag mo na akong gaguhin! Wala akong panahon sa mga kasinungalingan at kakatihan mo!"

Pinagsisigawan ko na ang bruha para magtino siya. Hindi tuloy nakasagot. Mukhang dinadamdam pa niya lahat ng sinabi ko.

"Cecilia...Ganun ba ang nagawa ko sa'yo?"

Nalaglag ang panga ko sa narinig kong nagsalita sa kabilang linya. Sa pagmamadali kong sagutin ang tawag ay hindi ko natignan kung sino. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanikip nang marinig kong muli ang boses niya.

"Earl?"

"Cecilia...please talk to me please"

Ano bang tono ang meron sa boses niya at napakasarap nitong pakinggan? Hindi ko naman dapat siya pahirapan. Ano bang karapatan kong magalit bukod sa umasa ako? Paano kung may iba siyang dahilan? Ugh! Naguguluhan na ako! Nauutal pa ako nang sagutin ko siya.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon