Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako gumugulong ngayon sa kama ko. Parang natatae na ko sa kilig sa tuwing binabasa ko ang mga text ni Earl sa akin. Kung nakikita lang ako ngayon ng tropa ko, tiyak pagtatawanan na ako ng mga yun.
Isang linggo na rin ang lumipas nung nagkaaminan kami ni Earl dito sa terrace ko. Patuloy lang siya sa panunuyo sa akin. Hinahatid at sinusundo niya ako hangga't kaya ng schedule niya. Sinabi ko ng si Kuya Fred na lang ang maghahatid sa akin at sundo na lang siya pero ayaw niya. Gusto niya siya pareho.
Kapag napaaga ako ng uwi at siya naman ang huli saka lang ako magpapasundo kay Kuya Fred, 'pag siya naman ang nauna ay hinihintay niya ako. Ewan ko ba dun, hinahayaan ko na lang siya.
Bumaba na ako at pumunta sa sala kung na'san sila Eli.
"Cecilia ano handa natin sa pasko?" tanong ni Yaya habang nanunuod kami.
Nasa sala kami nila Eli ngayon at nanunuod lang ng paborito ni Eli na Mr. Bean. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok pareho.
"Yung usual ya. Salad, carbonara, graham, keso."aniya ko saka kumuha ng chips kay Eli "Kahit ano Ya ikaw bahala"
Tumango lang si Yaya at naglista ng mga bibilhin.
Isang linggo na lang pala ay Christmas na. Usually naman ay kaming tatlo lang nagcecelebrate dito sa bahay. Kahit kasi gustuhin namin na umuwi si Mom ay hindi naman pwede. Magagalit pa sa kanya at sa amin ang stepbrother at stepsister namin. Ayoko namang mangyari yun kaya tinitiis na lang namin ang pagkamiss kay Mom. Sanay na kami ni Eli kahit through skype na lang namin siya nakakausap at nababati tuwing may mga occassions.
"Tara mamili tayo!"excited na wika ni Yaya na bihis na pala. Mas pinipili kasi naming mamili habang maaga pa at hindi pa masiyadong siksikan.
"Kami na ni Earl Ya mamimili"saad ko na kinalungkot ng mukha ni Yaya
"Yan, nagkaboyfriend ka lang iiwan mo na ko"aniya saka ngumuso nguso pa.
"Hindi ko pa siya boyfriend Ya! Saka 'wag ka nga ngumuso!"
Inirapan lang ako saka nagwalk out. Ayoko na ngang mapagod siya eh. Aarte pa?
"Ate bili mo ko panggift ko ha!" si Eli naman na ngumangata ng chips. 'Di talaga kami pamilyang matakaw.
May party pala si Eli sa school nila kaya kailangan niya ng panggift. Bibilhan ko na lang din si Yaya para lumubag ang loob niya.
Tinawagan ko naman si Earl para samahan ako. Baka kasi tulog siya at 'di mapansin 'pag text lang.
"Hello Earl?"
"Yes baby?"
Ugh his voice! Mukhang kagigising lang nito ah. Ang gwapo pa rin ng boses niya.
"Samahan mo ko! Bibili ng stuffs for Christmas! Pick me up!"
"Pumayag na ba ako?"
"Ayaw mo? Edi ako na lang mag-isa!"
"Hehe joke lang! Wait mo ko"
"K bye ingat"
Binaba ko naman agad bago pa kami mapaba ng usapan. Napakulit pa naman niya.
Hindi clingy at showy si Earl. Makulit lang siya in a way na mapangasar. Malambing din siya kahit medyo may pagkamisteryoso siya. Pacute din siya madalas at laging ginagalaw ang salamin niya. Hay but I like everything about him. He's very natural.
Ilang sandali pa ay dumating na siya. Nasa kwarto pa ako at nagbibihis pero mukhang pumasok na siya dahil naririnig ko na ang boses niya at ni Eli na nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...