Chapter 26

38 5 0
                                    

Sorry ngayon na lang ulit nakapag update. Patawad ho. Feel free to comment guys!
KennethMutuc JannaMonteclaro







Tinitignan ako mula ulo hanggang paa ng lalaking ito na nagmamasid sa labas ng bahay. Hindi ko naman magawang matakot sa kanya dahil wala naman sa itsura niya ang papatay. At jusko naman no, pasko ngayon. Teka bakit nga ba 'to nandito?

"Miss?"

Ano nga ulit yung tanong niya? Pangalan ko ata yun eh.


"Cecilia Batacandulo ako yun. Bakit?"

Biglang sumilay sa kanya ang malapad na ngiti. Shit sobrang ganda ba ng pangalan ko?

"Oh! That all means that I'm in the right path! Great security guard! I will award him" at ngumiti ulit siya. Bakit? Anong nangyayari?

"Ha? Bakit anong me--"

'Di ko na natapos ang pagsasalita nang magring ang phone ko. Mom is calling. Nakatingin lang sa akin ang nakahoody jacket na lalaking 'to ng sagutin ko ang tawag.

"Hello Mom?"

"Sweetie! I'm glad you still up! So nandyan na ba siya ngayon? Dumating na ba?"

"Sino Mom?"pagtataka ko. What's happening?

"Si Yoshida sweetie!"

"Yoshida?"

Napatingin ako sa lalaking ito at nang marinig niya na banggitin ko ang Yoshida at tinuro niya ang dibdib niya na wari'y nagsasabing siya yun.

Anong klaseng pangalan yun?

"Ga?"

"Ah..Mom. Okay siguro nga siya ito then anong gagawin ko Mom?"

"Then papasukin mo siya sa bahay! Anak siya ng friend namin ng stepdad mo dito. Diyan muna siya habang inaayos ang problema sa condo niya. He's alone kasi diyan sa Pinas"

"Oh..okay Mom, dito siya matutulog Mom?"

"Ofcourse! Magkakasundo naman kayo niyan! Okay bye!"

"Okay mom bye--"

Mom always end the call kahit 'di pa ako nakakapaggoodbye. Sa kanya talaga ako nagmana sa ganung gawain. Okay, may mga sorpresa talaga si Mom lagi. Wala naman sigurong magiging problema sa kanya.

"Pasok ka"ani ko at pinasunod siya sa loob. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakasunod siya na may dala ng maliit na maleta. So, magiistay talaga siya dito for how many days.

May isa pa naman kaming room sa bahay at doon ko siya pinatuloy. Wala nga lang banyo sa loob nun. Lalabas pa siya kung sakali.

"Kung may kailangan ka just ask lang"

Ngumiti siya at tumango sa akin saka naghubad, ng jacket. Paalis na ako sa kwarto niya pero binaggit niya ang pangalan ko.

"Cecilia?"

"Yes Yoshida?"

Ngumisi siya ng bahagya nang banggitin ko ang pangalan niya.

"You can call me Yosh"aniya saka ngumiti "Where's your bathroom? Can I use?"

"Ah sa baba meron dun CR"

"Okay thanks"

Lumabas na ako ng kwarto niya saka dumiretso sa kwarto ko. Naaantok na rin ako dahil madaling araw na. Humiga lang ako at pumikit. Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon