Ayoko talaga yung dumadating sa moment na kailangang umalis ni Mom. Kailangan niyang umuwi sa kanyang pamilya. At kami ni Eli, kailangan naming tanggapin na hindi na kami ang inuuwian ni Mom dahil dinadalaw niya na lang kami 'pag may oras siya.
Ang hirap talaga yung iiwan ka na ng taong mahal mo. Yung alam mong may babalikan na siyang iba at hindi na ikaw. Ugh! Bakit ko ba kasi naiisip 'to?
Nakapag-usap na kami ni Mom tungkol kay Earl. Hindi willing si Mom na kilalanin si Earl. Masakit yun para sa akin dahil hindi niya ako masuportahan sa taong mahal ko dahil wala pa siyang tiwala dito at sa akin. Sa iba niya kasi ginugugol ang tiwala niya. Anong aasahan ni Mom? Hindi ganoon kadali yun. Ayokong maging pasaway na anak but, iba kasi ang pagmamahal.
"Ingat kayo dito. Yaya Bing ikaw ba ang bahala sa mga anak ko. Bantayan mo sila ha, lalo na 'yang si Cecilia"
Napatingin naman ako kay Mom habang kausap si Yaya. Alam ko naman ang tinutukoy niya. Nasa airport kami ngayon at nagpapaalam kay Mom. She's now leaving. Sana'y na ako sa ganitong eksena pero si Eli mukhang hindi pa rin.
"Come on Eli. Mahuhuli na si Mom"pagaya ko dito dahil hawak niya pa rin yung maleta ni Mom.
"Sige na mga ga. I have to go...Bye. I love you"ani Mom saka tuluyang naglakad papalayo sa amin. Niyakap pa siya ni Eli bago makalakad. My lil brother is so sweet.
"Tara. Kain na lang tayo icecream! Gusto mo?"pagaya ko kay Eli para mawala ang lungkot niya.
"Or if you want we can have some fun! Bowling?" aniya ni Yosh kay Eli. Kinakitaan ko naman ng galak si Eli na wari'y pumayag sa pagaya sa kanya ni Yosh.
May malapit na mall sa airport kung 'san pwede kaming magbowling. Pero parang nagaalangan akong sumama. Simula kasi ng pumasok ang taon, nagsimula na rin akong mailang kay Yosh. Dati kumportable ako sa kanya ngayon hindi na. Hindi ko ito nagugustuhan dahil ayokong maging unfair sa kanya't lalo na ang bait niya sa akin.
Nauna na ng umuwi si Yaya Bing. Sasama sana ako kaso pinigilan ako ni Eli. Samahan ko daw sila ni Yosh. Wala naman akong nagawa dito kaya pumayag na lang ako.
"Kuya Yosh may girlfriend ka na?"walang anu-anong tanong ni Eli habang nasa kotse kami patungo sa mall.
Bago sumagot si Yosh ay nagkatinginan kami. Bakit kailangan niyang tumingin sa akin?
Umiling lang si Yosh kay Eli habang si Eli naman ay napakunot ang noo. Nagtaka siguro siya kung bakit wala.
"Eh bakit po wala?"sunod na tanong ni Eli. Nasa backseat siya habang ako naman ay nasa passenger seat. Buti na lang kundi makikita niya ang reaksyon ko.
"Ahm..I'm.." hindi na naituloy ni Yosh ang sasabihin niya ng makarating kami sa mall. Biglang lumabas ng kotse si Eli saka tumakbo sa entrance. Sumigaw pa ako pero napakakulit niya. Naiwan tuloy kami ni Yosh sa paradahan. Lumabas kami ng kotse saka ako unang naglakad.
"Hey! Wait!"pagtawag sa akin ni Yosh. Hindi ko lang talaga siya kayang makasama o matignan ng matagal. Napahinto naman ako agad.
"Why you always walk too fast?"tanong niya habang titig na titig sa akin.
"Ah..so--" sasagot pa lang ako nang putulin niya ang sasabihin ko
"Don't mind it. I'm willing to follow you" aniya na kinainit ng mukha ko saka kami naglakad ng sabay papuntang entrance.
"Tagal niyo naman ate!"saad naman ni Eli na naghintay sa amin. Excited masiyado sa paglalaro.
Naglakad na kaming tatlo papuntang bowling. Ang tahimik ko lang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ba ako nag-aalala? Hindi naman dapat. Dapat ko bang itext si Earl? Dapat na niyang malaman na kasama ko si Yosh? Bakit naman? Wala naman kaming ginagawang--
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...