Chapter 42

37 5 0
                                    

Nasa kalahating oras na kami sa biyahe nitong lalaking kasama ko na kanina pa tahimik. Nagugutom na ako. Ano ba kasing balak niya sa akin? I mean, anong gagawin namin.

"Nagugutom ka" Napalaki ang mata ko ng bahagya. Paano naman niya nalaman?

"Ah...eh. Oo" Nahihiya ko pang sagot.

"'Wag ka ng mahiya sa akin please" Yung totoo nababasa niya ba isip ko? Napatawa siya ng saglit.

"Sandali" Aniya saka hininto ang sasakyan. Nasaan na nga ba kami? Tahimik sa paligid at malamig ang simoy ng hangin dito ng buksan ni Earl ang pinto ng kotse. Malamig dito kahit magsu-summer na.

"Dito ka lang ha"

Tumango ako saka siya umalis. May convenient store sa tawid ng kalsada. Hinintay ko lang siya sa kotse. Napapatingin lang ako sa couple bracelet namin. Ewan ko ba pero gustong-gusto niya na suot ko ito lagi.

Ilang minuto ay nakabalik na siya. May dala-dala siyang supot ng mga snacks ata na nakasabit sa braso niya at cup noodles sa magkabilang kamay.

"Here. Take it" inabot niya sa akin ang cup noodles.

Umupo siya sa kotse saka kumain na rin ng cup noodles. Ang weird. Pwede namang doon na lang kami kumain sa convenient store pero bakit mas pinili niya sa kotse. Paano kung matapunan ko 'to?

"Earl bakit--"

Napatigil ako nang makita kong nakatapat na sa akin ang camera niya. Kinuhaan niya ako ng larawan ng walang sabi. Hindi tuloy ako nakangiti.

"Ano ka ba! Sabihin mo naman"

Napangisi siya. Nagtinginan kami saka natawang dalawa.

"I want stolen shots" Aniya.

Oo nga eh. Doon pa lang sa amphi ay panay stolen ka na sa akin. Nako.

"Anong trip mo at picture ka ng picture?"taas kilay kong tanong habang kumakain kami ng noodles.

"Nothing...I just want to take pictures..of you" Nauutal pa siya. He's so cute kapag ganyan siya. Napangisi lang ako.

Naubos ko na yung noodles ko habang siya ay hindi pa. Hindi naman halata na gutom ako. Pinanuod ko na lang siya habang kumakain saka ko kinuha ang dslr niya. Uso ang selfie pero kahit ako ay gusto ko ng mga kuha galing sa camera.

"Earl tingin!" sigaw ko saka pinindot ang pangcapture sa dslr. Nakabaliktad iyon kaya hindi ko nakita at kaya rin siguro hindi ganoon na sakto sa amin ang kinalabasa.

"Hahaha ang cute!"

"Ba-bakit?"

Sabay naming tinignan ang picture. Nakakatawa dahil may hawak pang cup noodles si Earl pero nakangiti siya habang naka-peace sign naman ako. Nakalabas ako ng bahagya sa kotse at nakadungaw naman siya. Nakakatuwa ang picture na iyon.

Marami na naman kaming mga naipon na pictures sa Ferris Wheel noon, sa mall at yung dati na sa music video namin. Pero isa ito sa pinakagusto ko. Cute at ang gaan lang sa feeling. Para kaming mga bata lang na naggagala.

"Let's go" aniya nang matapos kumain. Inabot niya sa akin ang mga snacks na nabili niya kanina. Ilang saglit ang pinaandar niya na ang kotse.

"Ahm...Saan nga ba tayo pupunta?"
Tanong ko ulit baka sakaling sagutin niya na. Hindi niya kasi ako sinasagot mula pa kanina.

"Malapit na" iyon lang ang sagot niya.

Magsusunset na. Mas lumalamig na rin ang paligid. Hanggang anong oras ba niya balak na bumiyahe kami? Hindi na ako makapaghintay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon