Chapter 14

78 13 2
                                    

"Cecilia"

Napahinto ako sa pagkanta ko sa aking isip habang inuubos ang cotton candy nang banggitin niya ng malumanay ang pangalan ko. What's this?

"I'm sorry"aniya saka tumingin sa akin ng seryoso. Now that we're staring from each other I can see through his eyes that there is something inside that he wants to say. Naiihi ako sa tinginan namin.

"For what?"nagtatakang tanong ko sa kanya

"For being too coward"aniya saka bumuntong hininga "Coward to show my true feelings"sunod niyang sabi

Wala akong masabing tanong sa kanya kahit alam kong meron naman talaga sa isipan ko.

"Earl..."

"Natawa na nga lang yung tropa mo nung sinabi kong may gusto ako sa'yo eh saka--"

"What? You mean alam nila na ano?"

I'm blushing. Dammit!

"So-sorry"

Wait. I need some water to drink. Ugh Earl naman eh!

"Ahm, punta lang ako sa convinient store. Wait me here"aniya ko saka umalis ng hindi hinihintay ang sagot ni Earl. Hindi niya rin ako pinigilan. Siguro alam niya ng na-awkward ako.

Pumunta ako sa 7/11 tabi lang ng school namin halos. Bumili ng maiinom at nagstay ng mga 10 minutes siguro. I really don't know what's happening. Kakakilala lang namin ni Earl right? At sinasabi niya na may feelings siya sa akin? I can't believe. At alam na pala ng tropa ko. Malamang pinagtatawanan nila ako ngayon ng patago. Hay!

Babalik na sana ako sa park pero umuulan na pala sa labas. Bwisit bakit nanaman umulan wala pa naman akong payong. Kanina pa ba umuulan? Sa sobrang tuliro ko kasi ngayon 'di ko na napansin.

Teka, si Earl!

Nagpasya na akong lumabas. Tatakbo na lang ako. Pero nagulat ako paglabas ko dahil may tumatakbong lalaki papalapit sa akin. Basang-basa na siya. Siraulo! Ang hilig lumusob sa ulan ng mokong na 'to!

"Akala ko umalis ka na" aniya saka ngumiti sa akin. Jusko! Umubo-ubo pa ang loko na basang-basa na.

"Sumilong ka nga dito! Eh kung hinintay mo na lang ako dun kasi diba!" sigaw ko sa kanya saka kami pumasok sa loob ng 7/11.

Ayan. Lamig na lamig ang loko. Aircon ba naman dito at basa pa siya eh. Siraulo kasi. 'Di na lang naghintay!

"Tignan mo nilalamig ka na"mariin kong sabi sa kanya. Nginitian niya lang ako habang nakatayo kami sa loob.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tumila ang ulan. Gabi na rin. Siguro mga 7 or 8 pm na.

"Kaya mo pa bang magmaneho?"

Halata na kasi sa kanya na nilalamig na siya at inuubo pa. 'Di pa ako marunong magdrive kaya wala naman kaming choice kundi siya talaga ang magmaneho.

"I can"maikli niyang sagot na may pagnginig pa.

Sinapinan niya ng panyo at tela na galing sa kotse niya yung uupuan niya dahil basa nga siya. Hay nako! 'Yan kasi!

"Patayin mo na lang yung aircon"ani ko saka sinuot ang seatbelt.

Tumango lang siya at nagmaneho. Inuubo at sinusipon na ang loko.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa subdivision. Mauuna ang bahay ni Earl bago ang sa amin. Kaya nagpasya ako na 'di na niya ko ihatid dahil mukhang 'di na niya kaya. Lalakarin ko na lang hanggang sa amin.

"Sigurado ka na hindi na kita idederetso sa inyo?

"Yeah"ani ko habang nakatigil ang kotse niya sa bahay nila.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon