Pasensya po sa pagdoble ng chapter 20. Nabura ko na ho okay na.
'Di na lang kasi siya ang nagloloko, pati wattpad nagloko na rin :(
Hehehe. Enjoy reading!
LorUlaaanTahimik lang kaming nakarating ni Earl sa bahay. Walang kibuan. Walang tanungan. Wala rin akong lakas ng loob para tanungin pa siya tungkol kay Jane. Baka lalo lang sumakit ang dibdib ko kapag may nalaman pa ako. Lalo na't alam ko na siya ang unang minahal ni Earl.
"Thanks" yun na lang ang kaya ko pang bigkasin. Bumaba agad ako ng kotse at kinuha ang mga napamili sa likod. Papasok na ako sa gate namin nang pigilan niya ako. Wala na akong ganang lumaban kaya hinayaan ko lang siya na pigilan ako.
"Please, talk to me"aniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Pero ayokong tumingin sa kanya. Ayokong makita sa mga mata niya na iba ang laman nito.
"Pagod na ako Earl. Pasok na ko"sagot ko na hindi tumitingin. Inalis ko ang kamay niya at humakbang pero pinigilan niya uli ako.
"Tumingin ka sa akin please. Mag-usap tayo" bakas ko na sa boses niya ang pag-aalala. Ayokong magpadala. Kailangan kong magmatigas ngayon. Pero hindi, hindi pala yun ang kaya kong gawin. Dahil hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Mahal mo pa siya?"ngayon ay tumingin na ako sa kanyang mga mata. Malungkot lang siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay bibigay na ang luha ko.
"Cecilia..."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Simpleng 'hindi' lang naman ang nais kong marinig. Bakit? Bakit hindi niya kayang bigkasin? Earl bakit?
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pumasok na ako sa gate at nagpaalam sa kanya. Pinilit kong magsalita at pinunasan ang aking luha.
"Ingat ka"
Malungkot lang siyang nakatayo. Tumalikod na ako at pumasok sa loob namin. Bumungad naman sa akin si Eli na excited sa napamili ko.
"Ate! Ang laki! Thankyou! Saan si kuya Earl?"
"May gagawin pa siya"aniya ko na kinalungkot ng mukha ni Eli. Bakit ba gusto niyang nandito yun? Masaya naman kami dati kahit kami lang. Ngayon, naghahanap na siya ng iba. Mas lalo yung kinasikip ng dibdib ko.
Dumiretso na ako sa kusina at nilapag ang mga napamili ko. Si Yaya Bing ay busy sa paghihiwa ng gulay na mukhang hapunan namin ngayon.
Pagkalapag ko ng napamili ay umakyat agad ako sa kwarto. Nakita kong nagtaka si Yaya sa kinilos ko kaya't nagtanong ito.
"Oh anong nangyari?"
Napahinto lang ako ng nakatalikod habang tinatanong ko rin ang sarili ko kung ano nga bang nangyari sa akin.
"Wala ya, pagod lang" sagot ko saka pumunta sa kwarto at hindi ko na pinakinggan ang sunod na sinabi ni Yaya.
Nagbihis lang ako agad saka humiga. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko.
Bakit kung kailan nahuhulog na ako ay may tao na pala siyang ibang nasalo na nauna sa akin?
Nakatulala lang ako sa kawalan nang magring ang phone ko.
Sciboy calling...
Tinitigan ko lang ang phone ko at hindi ito sinagot. Tumawag pa siya ng ilang beses pa pero hindi ko ito sinasagot. Wala lang siguro akong ganang makipag-usap dahil na rin sa pagod ko.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...