Chapter 9

80 14 3
                                    

Isang chapter bago ang POV ni Earl Nathan Sales!
Feel free to comment ho! Vote vote! Hehehe.
Thankyou :)
DeAnonymous Lzdhrnndz LorUlaaan





Chapter 9
Cecilia's POV

Dalawang araw na kaming nagkakatext ni Paul. Minsan tinatanong niya ako sa mga bagay-bagay na tungkol sa banda. Minsan naman ay naisisingit niya yung mga tungkol sa akin at sa tropa ko.

Hindi ko alam. Hindi ako nag-aassume. In fact, tinitignan ko lang ang pagtetext naming dalawa bilang magkaibigan. Habang ako umaasa, siya naman ay walang kaalam-alam sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging interasado ata si Paul sa akin o ako lang nagbibigay ng meaning? Simula yun nang magpunta kami ni Zoey sa Resto-bar, unti- unti na kaming nagkakalapit sa isa't-isa. Babae rin ako. Minsan nagiging marupok. Ikaw ba naman makatanggap ng mga nakakagaan, nakakakilig, nakakakating mga text ewan ko lang kung 'di maloka ang birtud mo.

"Goodnight Cecilia, see you in my dreams! :*"

"Ang ganda ng kantang yun! Parang ikaw haha."

"Kumain ka na? Kain muna Ces!"

"Bagay sa'yo nakalugay ;)"

Simpleng wink at kiss smileys lang naman yun pero todo talaga ang kilig ko. Yung mga simple compliments niya sa akin ang nakabubuo ng araw ko. Kahit alam kong hindi ko dapat yun lagyan ng kahulugan, pero kasi sa akin, malaking bagay yun.

Ganun ba talaga ang mga lalaki? Sadyang mga paasa?

O talagang madali lang kaming mag-assume na mga babae?

Ewan ko. Basta masaya ako.

Nung isang araw pa ay pumunta sa room namin si Paul. May ibibigay daw siya sa akin.

Nagulat ang mga tropa ko, dahil ang alam nila ay wala akong ibang ine-entertain na lalaki maliban sa kanila at kay Earl. Dumaan lang naman siya doon saglit, binigyan niya ako ng pick ng gitara. Napag-usapan kasi namin minsan sa text ang mga paborito naming banda, nabanggit ko dun ang Paramore. Hindi niya na daw kasi nagagamit yung pick na may logo ng Paramore dahil sa dami na ng kanya, minsan pa'y binibigyan siya ng mga babaeng nakapanonood sa kanila sa pagtugtog.

Pulang-pula ako nung araw na yun. Habang yung tropa ko naman ay nakatingin lang sa akin. Parang sinasabi nila na 'di ka nagsasabi Ces ah. Si Zoey naman kilig na kilig sa tabi ko. Kahit kailan talaga OA. Pero kahit ako naman todo kilig eh, tinatago ko lang kasi ayoko umasa. Baka kasi friendship lang naman talaga ang punto ni Paul.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas, hindi ko masiyadong nakikita si Earl. Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol dun sa picture ko. Ayoko lang kasing magtanong kahit gusto kong malaman ang sagot. Baka kasi napagtripan niya lang ako nung araw na yun. Baka wala naman talaga yun. Hay, ayokong mabuhay sa baka sakali pero kasi ayokong maging kumplikasdo ang mga bagay-bagay kaya madalas hinahayaan ko na lang ito. Gaya ng feelings ko kay Paul, gusto niya nang umapaw pero pinipilit kong pagtakpan.

Nakakasalubong ko pa naman si Earl minsan sa school, siguro dahil irregular siya sa amin, hindi kami masiyadong nagkikita. Ngumingiti lang siya sa amin ng tropa ko kapag nagkakasalubong kami. Napansin niya kayang nwala yung picture ko sa libro niya? Siguro hindi siguro oo. Siguro hinayaan niya na lang na nawala yun dahil mahirap na rin yung hanapin. Pero sana kung ano man ang dahilan kung bakit siya merong larawan ko, sana sabihin niya.



Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon