Chapter 6

102 13 8
                                    

"Well you treat me just like, another stranger it's nice to meet you sir I guess--"

Nagising ako sa malalim kong pagkatulog nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Hindi dahil sa alarm kundi sa isang tawag. Tinignan ko kung sino saka ko sinagot.

Ang aga namang mangistorbo nito.

"Hello" walang gana kong pagsagot.

"FRIEND!!! Pwede ka ba mamaya? Siyempre pwede vacant tayo ngayon eh! Mamaya ah!"

"Hindi ako pwede" tugon ko.

"Anong excuse mo aber?" pag-usisa niya

"May practice kami ng tropa ko mamaya"

"OA ka friend 5pm pa naman 'to eh! Buong araw ba kayo magpa-practice ng banda mo? Sa resto-bar lang 'to oy! Manunuod lang tayo ng banda nila Paul! Oh my God tutugtog sila--"

"Sinong nandon?"mabilis kong tanong

"PIXMA band! Sila Paul! Dali na kasi! Papanuorin ko lang sila dali na! Pasundo kita gusto mo?"

"No need. I'll go"

"YEEEES!!! See you there!"

"Okay si--"

'Di pa ako tapos magsalita binaba na ng gaga. Kahit kailan talaga 'to si Zoey. Istorbo na nga sa umaga mapilit pa.

Hay. Kung 'di ko lang 'to kaibigan eh.

Pumayag na rin ako siyempre nandun pala ang PIXMA band. Gusto kong mapakinggan muli ang nakaka-inlove na boses ni Paul.

Lima sila sa banda nila. Si Paul ang vocalist, Iver ang drummer, Xander ang lead guitarist nila kasama ang isa pang guitarist nila para sa rhythm na si Menj at ang bassist nilang si Aivan.

All boy band kung baga. Kaya 'di na rin nakapagtataka na malakas ang hatak nila sa mga chix. Bukod sa malalakas ang dating ng bawat isa sa kanila, madadala ka talaga kapag kumanta na ang bokalista nilang si Paul.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng pintuan ng kwarto ko. Hindi na pala ganun kaaga kasi alas otso na rin. Mukhang pumasok na rin ang kapatid ko.

Friday is really my day. Vacant kasi namin ito. Makapagpapahinga ako at masosolo ko ang bahay.

Hindi rin pala kasi nandito pala ang actress slash singer naming Yaya.

Nag-ayos na ako ng sarili kasi nagugutom na rin ako. Habang nagsusuklay ay napatingin ako sa sulat na gray na nakalagay sa.ibabaw ng maliit kong cabinet.

Naalala ko tuloy kagabi yung kwento ng buhay ni Earl. Naalala ko rin si Mom. Hay.

Every time na naaalala ko si mom ay magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko. Pero napatawad ko na siya. Malaki na ako at may mas malawak ng pag-iisip tungkol sa.mga bagay-bagay.

14 years old ako nun nang maaksidente si Daddy sa trip nila ng mga kasamahan niya sa trabaho. Lumubog yung sinasakyan nilang yate nun na papunta sana sa isang island. Nadala pa sa ospital nun si Dad pero agad din siyang binawian ng buhay.

Dalawang taon pa lang mula ng kinuha sa amin si Dad ay nakapag asawa na agad si Mom. Iyak ako nun ng iyak pati si Eli kasi ayaw namin magkaroon ng bagong Daddy. Pero wala kaming nagawa. Sabi ni Yaya Bing ay tao lang din si Mom, nagmamahal at naghahanap ng makakasama sa buhay.

Bakit kami ni Eli hindi pa ba sapat? Yun ang hindi ko maintindihan sa lintik na pagmamahal kasi kaya kaming iwan ni Mom at mas pinili niya na ang pangalawa niyang pamilya.
Dalawang taon simula ng magkaroon siya ng bagong asawa ay nagkaanak sila. Japanese ang napangasawa ni Mom, kaya ngayon nasa Japan si Mom. Sa bago niyang pamilya.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon