Ang sakit pa ng ulo pagkagising ko ngayon. 'Di rin kasi ako nakatulog ng maayos kanina. Teka anong oras na ba?
"10 am? Shit!"
Ano na kayang nangyayari sa baba? Agad akong nagayos ng sarili at dumiretso agad sa kusina. Baka gising na si Yosh at nakita siya ni Eli o ni Yaya. Tiyak na magugulat ang mga iyon na may iba pang tao sa bahay.
Pagkababa ko ay nagulat naman ako nang makita silang tatlo na nakaupo at kumakain ng almusal. Mukhang nakapag-usap na sila ayon sa nakikita ko.
"Good Morning Cecilia. Here take your breakfast" aniya ng lagyan ang plato ko ng friend rice at bacon. May nakatimpla rin na gatas. Ngumiti naman ako sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya at tumapat kay Eli at Yaya.
"Ya, kilala niyo na ba siya?" baling ko kay Yaya na kumakain na rin.
"Nabanggit na siya sa akin ng Mom mo kaya kilala ko na siya"sagot ni Yaya at ngumuya ulit.
"Eh ikaw Eli?"
Patuloy lang sa pagkain si Eli kaya 'di niya ako nasagot. Si yaya na ang sumagot para sa kanya.
"Nagkakilanlan na sila kanina" aniya
Tumingin ako kay Yosh at ngumiti lang siya sa akin. Mukhang ayos naman pala at walang problema sa kanya. Natapos lang kaming kumain nang magpaalam si Eli na lalabas.
"San ka pupunta?"pagtataka ko.
"Magbabike lang sa labas"sagot niya at tuluyan nang umalis sa kusina.
"Umuwi ka agad ah!"pahabol ko.
Hindi naman talaga lumalabas si Eli sa bahay. Kaya nagtataka ako sa kanya ngayon. Siguro ay bored lang siya dahil walang pasok.
Naiwan naman kami ni Yaya sa kusina. Si Yosh kasi ay nagpaalam na maliligo. Doon uli siya sa banyo mg kwarto ko. Doon na lang daw siya palagi, wala namang problema dun kaya pumayag na ako.
"Sabihin mo nga dun kay hapon na magtagalog siya, nakakadugo ng mata" ani Yaya pagkatapos ligpitin ang pinagkainan namin.
"Baka ilong ya"
"Yung mata ko yung dumugo eh"saad pa niya.
"'Wag mo kasing titigan"pangangasar ko naman. Akala niya 'di ko napapansin na panay ang tingin niya kay Yosh at ngumingiti ngiti pa
"Hindi ko siya tinititigan no! Siya ang tumititig sa akin"
Napailing lang ako kay Yaya. Ramdam ko pa ang antok ko dahil sa kulang ang tulog ko kanina.
"Pero infairness! Chinitong gwapo"ani pa niya at may pangiti ngiti pa. Mukhang may tama na 'to kay Yosh si Yaya.
"Tumigil ka nga Ya" tamad kong tugon nang tignan ko ang cellphone ko kung may text na si Earl. Wala pa siyang text magaalas dose na ng tanghali.
"Kailan ba uwi ni fafa Earl?"
Napatingin ako ng masama kay Yaya at ngumisi lang siya.
"Ewan" maikli ko lang na sagot sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itext si Earl. Sakaling tulog pa ito mabasa niya paggising niya ang text ko.
Ako: Good Morning. Gumising ka na! May sasabihin ka sa akin diba?
Ilang segundo lang ay nagring ang phone ko. Gumiyak naman ang puso ko nang malaman kong siya ang tumatawag. Iniwan ko lang si Yaya sa kusina at pumunta ako ng kwarto ko.
"Good Morning!"
"Kagising mo lang?"
"Medyo lang hehe"
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...