"Umuwi ka na!"
"Pero wala pa akong isang oras dito sa--"
"Uwi sabi eh!"
Nakakainis ang kakulitan ni Earl hay! Tatlong araw na rin ang tuloy tuloy na pangungulit niya simula nung pagbigyan ko ang loko. Ayun parang bumalik kami sa dati pero mas may tapang na siya ngayon na ipadama sa akin at ipakita ang pagmamahal niya. Corny na pakinggan pero tinanggap ko siya.
Tuwang-tuwa si Eli 'pag nandito si Earl. Nakikipaglaro siya ng online games at nagkukwentuhan sila ng mga science stuffs. Kitang-kita ko kay Eli na sabik siya sa kalinga ng isang kuya. Yung makakasabayan niya sa mga trip niya. Minsan ay pinipilit pa ako ni Eli na papuntahin dito si Earl. Natutuwa ako kapag nakikita kong masaya si Eli kaya pinagbibigyan ko siya.
"Makulit ka talaga ano?"
Hindi pa rin umaalis ang mokong na ito sa tapat ng bahay matapos niya akong sunduin galing school. Kuhaan lang cards kanina. Nagpataasan pa kami ng tropa ko ng scores pero talo sila. Bwahaha. 'Di nila ako matatalo. Wala na kaming pasok dahil dalawang araw na lang ay pasko na.
Pumasok na ako sa loob at hinayaan ko na lang na sumunod siya. Buti na lang at nasa christmas party ngayon si Eli kundi maingay nanaman sa bahay dahil sa paglalaro nila. Si Yaya Bing naman ay umuwi muna sa kanila at babalik na lang siya bukas. Dito na kasi nagpapasko si Yaya at naiintindihan na yun ng pamilya niya dahil kami lang dalawa ni Eli at kailangan talaga namin si Yaya.
"Cecilia..."
"Oh?"
"May sasabihin ako"
Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Earl. Ano nanamang pakulo ito?
"Ano yun at bakit ang seryoso mo?"
"Mamimiss mo kaya ako?"
"Bakit?"
"Aalis kasi ako"
"Saan ka naman pupunta?"
"Uuwi sa bahay"
Tinignan ko ng masama ang mokong na'to saka ko binato sa kanya yung unan dito sa sofa. Ang lakas ng trip!
"Kanina pa kita pinapauwi diba? Uwi!"
"Bukas pa eh"
May kung anong awra ng kalungkutan ang nadama ko nang magsalita siya. Pinagloloko lang ako nito pero bakit ganyan siya?
"Ha? Anong trip mo Earl?"
Tumayo siya at tumabi sa akin. Ugh! Eto nanaman siya!
"Sa dati naming bahay" aniya saka ako nginitian. "Si Dad kasi gusto niyang i-celebrate namin ang Christmas at New Year sa province namin sa Davao. Doon kami dati nakatira"sunod sunod niyang sabi habang nakikinig lang ako.
Bakit ganito ang pakiramdam ng dibdib ko. Unti-unti itong bumibigat.
"Ah. Namimiss ka na siguro ng Dad mo, nandon siya ngayon diba?"
"Yeah. Doon ang main branch ng paint business namin, madalas kaming magcelebrate doon kasama ang iba naming relatives kahit noong nabubuhay pa si Mom"
Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Earl habang nagsasalita siya. Nangungulila pa rin talaga siya sa Mom niya. Kahit naman ako sa Dad ko. Kaya naiintindihan ko siya.
"If that's so...ingat ka bukas"
"Hindi mo ba ako pipigilan?"pagbibiro niya habang nakangiti sa akin. Alam kong pilit ang ngiting ipinapakita niya sa akin pero ginagawa niya pa rin para mapatunayan niyang malakas siya.
Pati tuloy ako nalulungkot.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...