Chapter 29

25 6 4
                                    

pau_1498

Nagising ako sa silaw ng ilaw kung saan kami huminto ni Earl. Nakatulog pala ako sa biyahe.

"Na'san na tayo?"

Hindi sumagot si Earl saka bumaba ng kotse. Hinintay ko siyang pagbuksan ako pero naglakad na siya papalayo sa kotse. What the hell? Matapos mo akong dalhin dito ay iiwan mo lang ako?

Lumabas ako ng kotse saka padabog na sinara ang pinto nito. Nakakainis naman!

Inaninag ko pa kung nasaan kami at hindi ko makita si Earl. Nasa tapat na pala kami ng Ferris Wheel. Hindi ito umaandar at nakapatay din ang ilaw. Tanging ilaw ng mga sasakyan at street lights ang nakapagpapasilaw sa mata ko. Fuck na'san ka na ba Earl?

"Hoy Earl! Na'san ka na!" sigaw ko saka lumapit pa sa Ferris Wheel. Papahakbang na ako papuntang counter nito nang bigla itong umilaw at umandar. May tugtog din akong naririnig mula sa counter. Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ako? Baka tulog pa rin ako?

"Ugh! What the fuck is happening?"

Kumabog ang dibdib ko ng pagkabilis-bilis nang lumakas ang tugtog. Akala ko ay record yun pala ay may tumutogtog talaga. Naglabasan ang sila at tumungo sa likod ko.

May naggigitara at nagbebeatbox pa. May lalaki din na medyo matatanda na sila at kinakanta ang isang pamilyar na kanta. Tumalikod ako at kinausap sila.

"Ano pong nangyayari?"

Hindi sila sumasagot at patuloy lang sa pagkanta. Nangilabot ako nang may marinig akong boses sa likod ko.

"But deep inside of me is you You give life to what I do"

Natulala ako dahil hindi lang siya ang nakatayo doon. Nandun ang ilang nagbabantay sa counter na may hawak na kung ano. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Para 'san ba 'to Earl?

"Earl, ano 'to?"

Lumapit ang isang crew ata ng Ferris wheel sa akin at may inabot na papel. Hindi ko na alam paano ba tatanggapin ang pangyayari ngayonh gabi. Ang tanging ginawa ko na lang ay sumabay sa agos nito.

"Sorry" pagbasa ko sa nakasulat dito. Kinabahan naman ako bakit sorry? Tinignan ko si Earl at ngumiti siya sa akin saka nagsalita.

"Sorry sa pagtapon ko noon sa'yo ng juice. Sorry kasi sinadya ko talaga yun"aniya at pinigilang ngumisi. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa.

Dahil kasi doon, nakilala ko siya.

Lalapit na ako kay Earl ng lumapit pa yung isang crew. May papel din itong inabot. Hiyang-hiya na talaga ako. Una hindi lang kami dito ni Earl. Pangalawa ang haggard ko na.

"Thank you" pagbasa ko ulit sa nakasulat. This time ay kinilig ako. Hayup ka Earl. Bakit mo ba 'to ginagawa.

"Thank you kasi tinanggap mo ako sa buhay mo. Thankyou kasi hinayaan mo akong ipaki--"

"Tinanggap na ba kita?"pagputol ko sa kanya.

Binulungan niya yung dalawang crew na kasama niya sabay umalis sila. Pati yung mga tumutugtog sa likuran ko ay nagsialisan din. Nakatingin lang ako kay Earl at naghihintay sa sasabihin niya. Ewan ko ba sa sarili ko. Bakit kasi hindi ko na lang siya pinatapos. Eh baka kasi sumabog na ako sa kilig dito eh.

"Hindi ko na kailangan pa siguro ng papel at tugtog" aniya saka hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa Ferris wheel at damn. Sumakay kami.

"Earl! Takot pa rin ako! No 'di ko kaya ayoko!"

Tinitigan lang ako ni Earl habang hawak niya ang kamay ko. Unti-unti namang umandar ng dahan-dahan ang Ferris Wheel. Tanging kaming dalawa lang sakay nito. Ugh I can't.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon