Chapter 15

55 13 2
                                    

Ilang oras na rin pala akong nakadilat sa kwarto. Sa tuwing pumipikit kasi ako ay naaalala ko ang halik sa akin ni Earl.

Pinagpahinga ko siya at pinatulog na kagabi pagkatapos ng awkward naming eksena. Nakatulog na rin ako sa gilid niya habang nakasandal lang sa kama niya.

Agad akong gumising ng maaga at saka umuwi. Na-istorbo ko pa si Yaya Bing na natutulog pa para mapagbuksan ako ng gate.

Malapit ng mag 7 am. Gising na kaya si Earl? Sana magaling na yun. Sana humupa na lagnat ng mokong na yun. Baliw kasi lulusob-lusob sa ulan 'di naman pala kaya, may kahinaan din ng resistensya ang lalaking yun hay nako.

"Kung pasyente lang ako at ikaw ang nurse ko, mas pipiliin ko pang manatili na lang lagi sa ospital makasama lang kita lagi"

Naalala ko pa kagabi yung mga binubulong niya. Nagkunwari akong tulog nung mga oras na yun. Ang corny niya sobra.

Binigyan talaga kami ng ulan ng pagkakataon para magkasama. Hindi talaga tumigil ang ulan hanggang mag-umaga. Sa totoo lang kasi, ayoko rin iwan si Earl mag-isa nun sa kwarto niya. Wala siyang kahit sinong kasama. Naawa ako sa lagay niyang yun. Ako kasi may Yaya Bing at Eli pa.

Pero Earl, badtrip ka.

'Di na ako virgin. Sa lips.

Ayokong minamadali ang lahat. Kaya 'pag naaalala ko ang kiss niya ay nababadtrip ako. Sa kanya at lalo na sa sarili ko.

Ayokong magpaasa ng tao. Napakasakit sa pakiramdam ang paasahin. Alam kong mali na pumayag ako sa halik niya pero wala akong ginawa. Masiyado akong nagpadala sa mga titig niya. Paano kung umasa na siya na pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa? Ayoko ng ganoong eksena. Dahil sa ngayon, hindi dapat minamadali. Lalo na't alam kong may puwang pa rin sa puso ko si Paul.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Eli na umiinom ng gatas habang si Yaya Bing naman ay nakatitig sa akin habang papalapit ako.

"Si ate mo Cecilia ay inlababo na..."pakantang salubong sa akin ni Yaya. Ang pangit naman ng boses kung makakanta.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang sarili ko sa pagkain ng cereals na almusal namin ngayon. Si Eli naman nananahimik sa gilid ko. 'Di man lang ako binabalingan ng tingin. Problema nito?

"Bunsoy hatid na--"

"Alis na ako"aniya saka umalis sa kinauupuan

'Di man lang ako pinatapos magsalita at agad niyang kinuha yung bag niya saka lumakad papunta kay Kuya Fred. Nagmamadali ang loko at 'di man lang ako pinapansin.

"Hoy Bunsoy Kiss ko!" sigaw ko na naging dahilan ng paglingon niya

"Sa boyfriend mo na lang ikaw magpakiss!"sigaw niya at tuluyan ng umalis ng bahay

Nagulat ako na halos masuka ko ang cereals na nginunguya ko. Lintik! Paano nito nalaman? Yaya Bing!

Tinignan ko ng matalim si Yaya. Kanina kasi pag-uwi ko ay kinukulit ako kung anong nangyari raw sa amin. As if naman na meron. Pakaano ni Yaya talaga nagkwento pa kay Eli. Iniwasan niya lang ako ng tingin saka nagpaalam na maglalaba raw siya. Biglang naglaba sa umaga. Leche.

Ilang sandali rin ay nagasikaso na ako ng sarili dahil may pasok pa ako ngayon. Kaunting tiis na lang ay sembreak na namin. Medyo late na rin kami dahil sa mga professors na paiba-iba ng schedule.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon