shinchan_4869 ynnejoser pau_1498
Hindi na kami pumasok sa loob ng bahay, ayaw ko rin kasi siyang papasukin. De joke, ayaw niya rin kasi nakakahiya daw. Ayoko namang pilitin kaya dito na lang kami sa labas ng pintuan namin habang kumakain kami ng balut, ay ako lang pala. May malawak pa kasi kaming espasyo sa labas ng pintuan ng bahay bago maggate at may bubong 'to kaya hindi kami nababasa.
"Akala ko ba bibili ka? Eh bakit wala kang binili? ani ko sa kanya
"Bibili talaga dapat ako. Kaso kulang na yung dala ko, sakto lang sa balut mo" sagot niya sabay tingin sa akin. Agad din naman siyang umiwas pagtingin ko rin sa kanya, problema nito?
Nahiya ako sa sinabi niya, So, binayaran niya lang yung akin tapos siya wala?
"Hala sira ka. Itong isa sa'yo na oh" inabot ko yung isang balut sa kanya.
Umiling siya saka nagsalita.
"Hindi na, sa'yo na 'yan ayos lang" sagot niya na hindi ako binabalingan ng tingin. Nakatigin siya ng diretso, marahil nag-aabang ng pagtila ng ulan.
"Hi-hindi naman ako gutom sa'yo na 'to" sagot ko, pero gutom talaga ako at natatakam pang ubusin yung isa pero nahiya lang ako a kanya.
"Hindi ka nga halatang gutom eh, kaya naubos mo agad yung isa"saad at nagpigil ng tawa.
"Hindi nga!" sigaw ko. "Bahala ka nga diyan, uubusin ko na 'to"
Matakaw talaga ako sa kahit anong pagkain kaya pagtumanggi siya, hindi ko siya pipilitin. Ayoko talaga ng namimilit eh. Lalo na sa pagkain. Hehe
Nanatili lang kaming nasa labas ng pinto habang nagpapatila siya ng ulan at ako'y kumakain. Busy ako kaya ang tahimik lang naming dalawa. Natapos na lang akong kumain hindi pa rin siya nagsasalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"So... 'San banda bahay mo Earl Nathan--"
"Earl na lang" saad niya
"K." ani ko.
"Sa pangalawang street malapit-lapit lang dito" sagot niya at hindi talaga kami nagtitinginan. Nakatigin lang kaming pareho ng diretso. Nakikinig sa bawat pagpatak ng malakas na ulan.
"Ah kaya pala nabigay mo agad yung sulat" bulong ko.
"Na...nabasa mo na?" nakita ko ang pamumutla sa mukha niya nang tignan ko siya.
"Not yet" I lied.
Bakit 'di ko sinabing nabasa ko na? Big deal ba yun? Ewan ko rin sa sarili ko minsan eh. Basta ayoko lang na bawiin niya sa akin.
"Ah...pwedeng kunin ko na lang, kasi nandito na rin ako, sasabihin ko na lang" aniya
"No no, ayaw, wala ng bawian. Saka yun lang naman bakit wala namang nakalagay na kung ano dun diba?" pagngisi ko sa kanya.
"Wa-wala naman." saad niya
Habang namumutla ang mukha ng mokong na 'to sa 'di ko malaman na dahilan. Nagtanong uli ako sa kanya. Napansin ko kasing basa yung salamin niya. Nakasuot siya ng salamin na kulay itim ang gilid, medyo malaki at hindi tulad ng sinusuot ng mga professor namin. Pangporma lang talaga siguro yung salamin niya.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...