DesireeDescatiar pau_1498 shinchan_4869
Nakikinig lang sa gilid si Earl habang nagpapractice kami ng mga tropa ko. Hindi ko na lang inisip na bago siya sa paningin ko para makakanta ako ng maayos. Medyo sanay na rin naman akong may nanunuod sa akin dahil nakapagperform na rin kami ng ilang beses sa school.
"I see you at the corner
Then I stared at your face"Pinili ng classmate kong si Jasmine ang kanta ni Yeng Constantino na "Why Can't you" na itugtog namin sa birthday na. 19th birthday niya yun pero bongga pa rin na parang 18th dahil mayaman sila at gusto niya rin kasi ang music. Buong klase kaming inimbita niya. Bida rin kasi 'to eh. Lahat ba naman kami papuntahin. Sure naman ako na hindi lahat makakapunta dahil medyo busy na rin. Yung iba ko kasing classmate ay pamilyada't pamilyado na.
"I wonder who you're lookin' at
I wish that was me"Seryoso lang ako sa pagkanta habang pinapanuod kami ni Earl.
Nakangiti ang loko.
Tigil-tigilan mo 'yang pagngiti mo.
Baka mahulog ka sa boses ko.
Este, diyan sa kinauupuan mo."Why can't you see, that there is me whose waiting for you all this time."
Umiwas ako sa titig ni Earl sa akin. Baka kasi matunaw na ako eh. O baka nagkakamali lang ako at hindi siya sa akin nakatingin. Kung ano ang sagot ay siya na ang nakakaalam. 'Wag na rin ako sigurong mangealam.
"Why can't it be, just you and me
I've been waiting for you all this time"Natapos ang practice namin ng tropa ko. Mag 3pm na rin ng hapon. Bago kami nagpractice kasi ay kumain muna kami. Si Jef nagpapalakas ata sa bisita naming si Earl at agad nagpahanda ng makakain. Siguro dahil nalaman niyang Sci-major si Earl at pwede siyang magpatulong sa mahihirap na solving sa Science namin na minor subject. Ito talagang si Jef. Pero okay na okay sa akin dahil masarap na pagkain naman ang hinain niya. Mukhang tuwang-tuwa ang tropa ko sa bagong kaibigan dahil marami siyang words of wisdom na may kinalaman sa Science.
"Maya-maya ka na Ces alis nag-uusap pa tayo eh"ani John
"Kayo lang naman nag-uusap"bulong ko.
Nagstay pa kami sa studio nang ilang minuto hanggang mag 4pm na ng hapon kaya nagdesisyon na akong umalis.
"Alis na ko mga tol"ani ko
"Saan ka ba pupunta?"tanong ni Chris
"May date kami ni Zoey"
"Hala Ces, tomboy ka na?"si Jef
"Leche Jef!"inirapan ko lang siya at nagpaalam na ako sa kanila.
Si Earl naman aalis na rin, kanina pa dapat 'to umalis masiyado lang mapilit mga tropa ko.
Sabay na raw ako kay Earl pero alam ko namang iba ang way niya kaya humindi na ako. Nakakahiya na rin kasi.
Hinintay nila akong makasakay ng taxi bago pumasok ang tatlong ugok sa studio at si Earl naman at tumungo sa kotse niya.Sumulyap pa ako kay Earl bago sumakay ng taxi.
"Bye! Ingats!
"Ikaw rin" saad niya sabay ngiti at pumasok na sa kotse.
Inaayos niya lagi yung posisyon ng salamin niya sa tuwing nagsasalita. Ewan ko kung bakit niya yun ginagawa.
"Sa Resto-bar po Manong"
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...