Chapter 38

21 6 2
                                    

clssssong

Lumabas ako ng room ni Chris nang mapansin kong ang awkward na sa loob dahil ako lang ang babae.

Dati hindi naman ako naiilang kapag silang tatlo lang, kaso kasi nandoon sila Yosh at Earl kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi na rin ako nagpasunod kay Earl dahil pagbanyo ang paalam ko. Gusto ko kasi silang magkausap-usap lahat at magkasundo. Sana nga.

Pumunta ako ng banyo at nag-ayos ng sarili. Ang haggard ko na pala dahil na rin ito sa pagmamadali ko kanina. Nagsuklay lang ako at naglagay ng redlipstick na hindi naman gaanong kakapal saka powder na rin. Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako.

Habang papalakad ako pabalik sa room ni Chris ay may napansin akong babaeng palinga-linga at mukhang may hinahanap. Parang pamilyar din siya. Hindi ata ako nagkakamali. Sa ganoong ganda na babae siya nga iyon.

"Georgina?" pagtawag ko nang makalapit ako sa kanya.

Tatlong rooms na lang ay sa room na ni Chris. Lumingon naman ito sa akin at halatang nagulat. Teary-eyed siya. Magsasalita pa lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Cecilia..." at tuluyan na siyang umiyak.

Pinakalma ko muna siya bago ako magtanong. Alam kong nahihirapan din siya.

"Georgina..Nandito ka ba dahil.." napahinto ako nang akma siyang magsalita.

"I never imagine na gagawin ito ni Chris. I love him so damn much kaya sisisihin ko ng sobra ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya..." panimula niya. Tinuro ko naman ang upuan sa tapat ng mga rooms bago siya muling magsalita.

"Hindi lang talaga ako handa pa sa ngayon. I will explain to him. Medyo stress lang talaga ako nung araw na yayain niya ako magpakasal kaya humindi ako. Namisinterpret niya lang ako Cecilia...Masama ba ako?"pagpapatuloy niya at humihikbi pa.

Itong dalawang ito parang teleserye. Mahal naman nila ang isa't-isa kaya hindi naman dapat umabot sa ganito. Swerte pa rin sila kasi sila, iyon lang ang problema. Habang ako...

"No you're not. Maiintindihan ka naman nun. Kaya tama na ang iyak diyan! Tara na't gising na si Chris"

Hinatak ko na siya papunta sa room ni Chris. Tiyak pagtatawanan ito ni John at Jef kapag gumawa ng madramang eksena itong si Georgina at Chris.
Pagpasok namin ay napatingin silang lahat. Hindi siguro inaasahan ni Chris na babalikan siya ni Georgina. Ganoon naman kapag mahal ka diba? Babalikan ka.

Nagniningning ang mga mata nitong si Chris at pinipigilang ngumiti. Yung mga tingin niya parang tingin sa akin ni Earl. Ano ba Cecilia! Moment naman nila ito.

"Georgina" mahinang pagtawag ni Chris. Ayan na silang dalawa.

"I hate you! Bakit kailangan mo itong gawin!" paninimula ni Georgina sabay hampas sa balikat ni Chris.

"Mahal kita eh" sabay yakap silang dalawa.

Nagtinginan kaming lahat na nandito sa loob. Mukhang nakakaistorbo na kami.

"Ehem" pagbasag ng katahimikan ni John. Panira talaga ito.

"Mauuna na akong umalis" sabi ni John

"Sabay na ako" saad naman ni Jef

Nagpaalam na sila kay Chris at Georgina. Minura pa ng dalawa si Chris dahil nasira daw ang plano nila ngayong araw dahil sa kalokohan ni Chris. Kung ano man ang plano nilang iyon ay hindi ko alam.

Sinabi ko rin na aalis na rin kami nila Earl at Yosh. Para makapagsolo na silang dalawa. Mas maigi na sila na ang mag-usap.

"Ingat kayo" pagpaalam ng dalawa saka sumakay sa kani-kanilang kotse. Mukhang may gala itong dalawa. Palubog na rin ang araw. Siguro ay nasa bahay na si Eli kaya kailangan ko na rin umuwi. Wala pa si Yaya kaya mag-isa iyon doon.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon