Awkward
Ito yung ayaw ko sa pag-amin ng feelings eh, yung ilangan. Although may choice naman tayo na 'wag mailang pero kahit ano namang pigil natin ay yun pa rin ang mangyayari.
Yun ang nangyari sa last shoot namin. Okay naman daw sabi ng tropa ko. Ang videographer na namin ang bahala sa pag-eedit. Nakapagrecord na rin kami ng kanta sa music video. Ginawa namin iyon sa studio nila Jef. Laking pasasalamat ko sa mga tropa ko at lalo na kay Georgina na talagang tumulong sa amim para mabuo ang project namin.
"Cheers tayo diyan mga guys!"sigaw ni John habang taas-taas ang champagnes
Nagkasiyahan kami ng kaunti dahil sa success ng aming project. Nasa bahay kami ngayon nila John na naglatag ng ilang table at mga light liqours, wines, champagnes at mga snacks.
Kasama namin si Georgina siyempre si Chris at Earl na nasa gilid ko. Wala pa si Jef. Ang sabi niya ay may dadalhin daw siyang babae ngayon. Siraulo, sino kaya yun. Baka girlfriend niya.
"Hey Ces! You're so cute talaga, 'wag mo pigilan uminom!" aniya sa akin ni Georgina. Pansin niya kasing 'di ako masiyadong umiinom. Ang georgous niya talaga sakto sa pangalan niya.
Celebration naman ito at nasa tamang edad na ko. Kaya iinom ako ngayon. Just this night.
Si Earl naman ay kinakausap ni John at Chris habang nagtatawanan. 'Di ko sila masiyado marinig dahil ang lakas din ng tugtog dito sa bahay nila John. Pumunta ko sa sound system nila John at pinalitan ito ng tugtog. Light music lang para magkarinigan kami. Pinili ko ang mga cover ng boyce avenue na paborito kong patugtugin 'pag gabi.
"Hooo Jef! Angas mo tol!"
Mukhang dumating na si Jef at may kasama siya. Pumunta na ako agad at baka ma-op pa doon si Earl. Pero nagkamali ako na out of place siya dahil nakita kong magkausap sila nila Jef at ng babaeng kasama niya.
Teka familiar ang babaeng ito ah.
"Oh Cecilia! Diyan ka lang pala!" pagbati ni Jef habang ang babaeng katabi niya ay ngumingiti lang sa akin.
Ngumiti lang ako saka umupo at kumuha ng maiinom.
"By the way, si Jane pala. A friend of mine" ani Jef saka naghiyawan sila Chris at John. Mukhang may something ang dalawang 'to ah.
Nakita kong nakangiti lang si Earl sa tabi ko. Katapat namin sila Jef sa table at si Jane daw.
"Wow J and J huh. Hi Jane"
"Hi Cecilia right?" saad niya saka inabot ang kamay. Tinaggap ko naman ito at nagngitian kami.
"Magkakilala pala 'tong si Earl at Jane, Ces eh" aniya ni Jef
"Talaga Earl?"tanong ko naman kay Earl na nakangiti kay Jane. Hmm
"Ah yeah, we're friends and schoolmate nung highschool" sagot niya naman saka ngumiti. May kakaibang ngiti na pinapakita si Earl ngayon, okay lang ba siya?
Naalala ko na si Jane. Siya yung nasa shop na hinintuan noon ni Earl. May pakiramdam ako na bukod sa friend sila ay may hindi pa ako nalalaman. Nakita ko kasi ang reaction noon ni Earl, malungkot ang mga mata niya noon. Pero bakit ngayon ay masayang ngiti ang pinapakita niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na obserbahan siya at si Jane kapag nagkakatinginan sila. Parang nag-iiwasan sila. Bakit?
May binulong yung Jane kay Jef at tumayo ito.
"Samahan mo na lang Jef"aniya ni John saka tumayo ang dalawa. Magccr lang pala kailangan pa ibulong. Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sa kanya, pati si Earl napatingin.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...