Bakit ba kami nagbanda? Sa nakalipas na taon ay sa totoo lang, hindi ko alam lamang ang naisasagot ko. Masaya lang kasi kami dito. Noong third year highschool kami ay nagbalak na kami. Biruan lang yun noon dahil na rin sa hindi pa ganoon ka matured ang mga isip namin. Puro kami tawanan at asaran sa tuwing kumakanta ako habang tumutugtog sila.
Pero ngayon, may pangarap na kami sa banda namin gaya ng pangarap naming makapagtapos ng pag-aaral. Unang priority pa rin naman namin ang pag-aaral. Makapaghihintay naman kasi ang aming pangalawang pangarap na isang tagumpay na bandang makapag-aambag sa lipunan natin. Masaya na kami sa minsan na pagtugtog sa school, bars, resto at ilang birthdays ng kaibigan namin.
Siguro't habang tumatagal ang panahon at lumalawak ang isip namin ay hindi maiiwasan ang pagtatalo at hindi pagkakaunawaan.
Gaya na lang kanina. Hinayaan ko na lang na umalis si Jef para na rin mahimasmasan siya. Hindi ko rin kasi maintindihan ang pinupunto niya kanina. Siguro ay talagang dahil iyon sa nakainom siya.
Umuwi na lang din ako at si Chris. Wala kaming matinong usapan bago kami umuwi. Mukhang may problema rin si Chris kaya ayoko muna siyang usisain at kulitin.
"Are you sure you're okay? I can stay"
"Hindi anong oras na Earl. Umuwi ka na. Sige na magpapahinga na rin ako"
Ngumiti siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko. Kanina pa kasi nagpupumilit na dito lang daw siya dahil hindi ako mukhang okay.
"But..call me please. Hindi ako makakatulog kapag hindi ka pa okay"
Kinagat ko ang labi ko. Hay Earl Nathan Sales. Bakit ka ba ganyan.
"Yes po. I will"
Hinalikan niya ako sa noo saka siya pumasok sa kotse niya at tuluyang umalis. Pumasok na rin ako sa loob.
Agad akong dumiretso sa kwarto. Tulog na silang lahat. May pasok na rin bukas si Eli. Sana ay umuwi na rin si Yaya Bing.
-
Tatlong araw ng may pasok si Eli. Kami naman ay magsisimula na rin sa Lunes. Para akong sasakalin na isipin na may pasok na ulit.Ayos naman kami dito ni Yosh sa bahay. Nitong nakalipas na araw ay napansin kong tahimik si Yosh. Nag-uusap sila ni Eli at nakikita ko pero kapag lalapit ako ay para siyang umiiwas sa akin. Hindi maganda iyon dahil tatlo na nga lang kami dito may hindi pa papansin sa akin. Wala pa rin si Yaya at sa Lunes raw uuwi.
"Me, hahatid kita"ani Yosh na nagprisintang ihatid si Eli. Nandito naman si Kuya Fred pero gusto niya na siya.
Alam kong paraan niya lang ito para maiwasan ako.
"Si Kuya Fred na ang maghahatid sa kanya Yosh"
"But I would--"
Pinutol ko siyang magsalita at tinuon ang atensyon kay Eli. "Sige na Eli. Ingat loveyou" ani ko sabay halik sa kanya sa noo. Tumango na lang siya at umalis na sa bahay. Nagaabang na rin si Kuya Fred sa labas.
"Yosh" pagtawag ko sa kanya ng tangkain niyang umakyat sa itaas.
"Why?"malamig na tono niyang tanong.
"Tell me honestly, iniiwasan mo ba ako?"
Unti-unti niyang inangat ang kanyang tingin sa akin. Sandali kaming nagkatinginan. Gusto kong magkaayos kami. For the sake of both of us.
"No"tipid niyang sagot. I know he won't tell. Pero hindi ba't vocal naman siya at open sa kung ano ang gusto at ayaw niya? Why?
"Yosh, hindi mo naman kailangan magsinungaling"
"I'm not"
"Yosh naman! Bakit ba? Dahil ba pinagluluto kita? Nauutusan magabot ng tubig? Nauubusan ng ulam? Ng kanin? Ano?"
Tumawa siya pero saglit lang. "You're over reacting. It's just, I'm tired or whatever. Now I have to go"
"Pwede ba bago ka umalis ay mag-usap tayo ng matino. Please tell me Yosh, what's with you?"
Umiling siya. Tumingala ng sandali saka ako muling hinarap.
"You know, just ignore me. Ignore like what you've already doing. Okay?" seryoso niyang sabi sa akin.
"Yosh bakit naman kita iignorin? Ano ka alikabok? Eh yung alikabok nga napapansin ko tapos ikaw hindi?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nagsisimula na akong mainis ugh! Why he can't tell!
"Enough" ang tangi niya lang nasabi.
"Anong enough Yosh? Tayong tatlo lang dito sa bahay hindi pa tayo ayos? Ano bang problema mo? May nagawa ba akong--"
Napatigil ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat ng dalawa niyang kamay. Masiyado ko ba siyang pinilit? Hindi ko naman gustong magalit siya pero ayun na siguro ang nangyari.
"Have you ever heard the word let and go?" seryosong seryoso siyang nakatitig sa akin. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Nagalit talaga siya sa akin. Ano bang nagawa ko?
"That's what I want. To let me fucking go Cecilia" dugtong niya na dumurog sa puso ko. Gusto ko lang naman na magkaayos kami. Magkalinawan. Magkaunawaan. Pero ano bang hindi niya kaya sa pagsabi sa akin ng kung ano mang kinagagalit niya?
May namumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. Pinigilan ko itong bumagsak. Naglakad papataas sa hagdan si Yosh. Tanging pagtulala na lang ang nagawa ko.
Nakaakyat na siya nang magring ang cellphone ko. Balisa pa ako ng sagutin ko ang tawag mula kay John.
"John?"
"Cecilia! Cecilia.."
Malakas ang boses ni John na parang may gustong-gusto na sabihin sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.
"John bakit? Ano yun?"
"Nandito kami ngayon sa ospital ni Jef! Si Chris ces! Si Chris"
"Bakit? Anong nangyari kay Chris? Bakit kayo nasa ospital?"
"Ininom niya yung lahat ng supplements and vitamins niya. Overdose. Hindi pa siya gising pero--"
"What hospital? Damn! Pupunta na ako diyan!"
Agad akong nagmadali at pinakausapan si Yosh na ihatid ako. Si Earl kasi ay wala ngayon sa kanila dahil hinatid niya ang Dad niya sa airport. Babalik ng Davao.
Taranta na ako kaya't kahit na hindi kami ayos ni Yosh ay pumayag siya. Hindi naman niya hahayaang balewalain ako lalo na't kailangan ko talagang pumunta ng hospital. I really need to check Chris. Hindi ko kakayaning wala ako doon kung sakaling may mangyaring hindi mabuti. Huwag naman sana.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...