Si Earl Lester po ay binago ko na ang pangalan, pasensya po may nagrequest! Siya na ngayon si Earl Nathan Sales! Enjoy Reading!
shinchan_4869Chapter 4
"Ahm Hi.
Sorry kanina. Alam kong nakita mo akong tumatawa nang mapag-usapan ng mga tropa mo yung pagkatapon ko sa'yo ng juice. 'Di ko lang talaga napigilan.Nakita ko yung address kanina sa I.D. mo habang nagtatanungan kayo ng mga tropa mo. Magkalapit lang pala tayo halos ng bahay.
Sorry ulit. Lampa talaga ako eh. Pasensya na talaga, feeling close pa ako. Naastigan kasi ako sa inyong magkakaibigan. Ang swerte niyo sa isa't-isa.
-ENS"
Seriously? Anong nakain nitong lalaking 'to? Walang lalaking magsusulat nito. Mukhang pinagti-tripan talaga ako nito ah.
Magkahalong inis at gulat ang naramdaman ko pagkatapos kong mabasa yung sulat.
Inis kasi pwede niya naman sabihin 'to ng diretso may pasulat-sulat pa siyang nalalaman.
Gulat kasi sa talang buhay ko, wala pa akong natatanggap na sulat. Unang beses ko ang makatanggap nito. Kahit mga naging kaibigan ko ay wala pa akong natatanggap.Paepek din 'tong kumag na 'to eh.
Pero ano bang kinagagalit ko? Diba dapat natutuwa pa ako kasi sa panahon ngayon nakatanggap pa ako ng sulat?
Teka nga muna, una sa lahat hindi ko dapat 'to pinoproblema kasi hindi naman kami talaga magkakilala.Hay nako Cecilia, 'wag mo ng intindihin.
Tinabi ko na yung sulat at saka tinuon ang atensyon ko sa laptop. Nagpasoundtrip ako ng mga acoustic songs. Mga cover ng boyce avenue ang lagi kong pinapatugtog tuwing gabi bago ako matulog.
Baka kasi 'pag nagpatugtog ako ng rakrakan sa mga oras na 'to ay maloka ang birtud ni Yaya.Nag-open ako ng FB at as usual tumambay.
Tambay ako lagi sa timeline niya. Simpleng paghanga lang naman ang nararamdaman ko sa kanya. Gaya ng iba, marahil hindi talaga maitatangging humanga sa kanya.
Pareho kaming bokalista.
Pareho kaming rakista.
Pagkanta ang kinasasaya namin.
Mas nabibigyan nga lang talaga ng pansin ang banda nila sa school, at dahil yun sa kanya.Ang tindig ng kanyang katawan sa bawat pagkanta niya ay talagang kahanga-hanga. Mas lalo pang nakapagpapa-gwapo
sa kanya ang maamo niyang mukha.
Hindi ko talaga maitatanggi na ang ganda-ganda ng boses niya. Yun na rin siguro ang dahilan kaya maraming naiinlove sa kanya ng palihim. Sobrang approachable pa niya. Hindi gaya ng ibang sumusikat banda sa amin, hindi siya nagiging mayabang. Nananatili pa rin siyang humble kahit meron talaga siyang maipagmamayabang.Oh Cecilia, makapuri wagas. Kung yelo lang ang larawan nito ni Paul at apoy ang mga mata ko, matagal na 'tong natunaw.
Hindi alam ng mga tropa ko ang paghanga ko kay Paul. Ayoko kasing asarin ng mga yun. Mas okay na sa akin yung sikreto lang 'tong paghanga ko. Hanga lang ah. Walang malisya. Pero nakakainlove talaga yung boses niya.
Pero hanga lang ah.
Halos 10 pm na ng gabi at hindi ako mapakali sa kwarto ko nang maalala ko na may nakalimutan akong gawin.
Parang nagmumura yung mga bulate sa tiyan ko.Putspa! Hindi pa pala ako kumakain!
Pagkakuha ko kasi kanina kay Eli ng sulat ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Akala siguro nila ay kumain na ako.
Naramdaman ko na talaga yung gutom ko.Agad akong pumunta sa kusina at naghanap ng makakain.
Nangyan. Bakit puro patatas 'tong nasa kusina?
French fries. Mash potato.
May nilagang baboy ata 'to tapos may patatas din na halo. May tatlong balot pa ng hiwang patatas na hindi pa luto. Ang magaling kong kapatid. Hindi naman masiyadong mahilig sa patatas. Hindi talaga halata.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...