Unti-unti siyang lumapit sa amin ni Yosh nang may sarkastikong ngiti. Magkahalong kaba, gulat at pananabik ang nadarama ko nang muli ko siyang makita.
Hindi naman katagalan simula nung umalis siya pero parang miss na miss ko na talaga siya at gusto ko siyang yakapin. Nakakahiya lang dahil naabutan pa niya kami ni Yosh na magkasama at anong oras nang nakauwi.
"Earl.."
Bigla akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. Tinanggap niya ito at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Para tuloy kaming magkarelasyon na nawalay ng matagal.
"I really damn miss you Cecilia" mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya.
"Napaaga ng uwi? Bakit?"
"Let's talk later" at niyakap ko pa siya ng mahigpit.
"Ehem ahm"
Nasa likod pala namin si Yosh. Hindi ko na namalayan na may mundo pa pala ako dito. Dumating na kasi ang totoong mundo ko. Chos!
Humarap ako kay Yosh at saglit din tumingin kay Earl. Hindi ko alam kung anong sisimulan kong sabihin. Bago pa ako makapagsalita ay nauna nang magbigay ng kamay si Earl kay Yosh.
"Earl pre" aniya nang ilahad ang kamay. Napansin kong suot niya yung bracelet namin na may nakalagay sa kanyang 'I'M HERS'. Sinadya niya yung ipakita kay Yosh. Kita ko sa galaw nito ni Earl ang gusto niyang ipahiwatig.
Nahiya tuloy ako ng sobra sa likod. Tinanggap naman ni Yosh ang kamay ni Earl at magpakilala rin ito.
"Yoshida" aniya
"Japanese blood?"tanong naman ni Earl
"Yup"
Hindi ko alam sa ngiting ipinapakita ng dalawang ito kung sarkastiko ba o totoo. Kaya bago pa magkaroon ng tensyon ay sumabat na ako.
"Ahm..Yosh mag-uusap lang kami ni Earl. Matulog ka na rin anong oras na"
"If that's what you want okay"
Nginitian naman namin siya ni Earl. May kung anong awra naman akong naramdaman kay Yosh. May hindi rin pala siya napagpatuloy sabihin. Pwede naman siguro yun bukas.
"Goodnight" pahabol niya saka umakyat sa kwarto niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang mawala na si Yosh sa baba. Kanina ko pa kasi pansin na iba ang pagkunot ng noo ni Earl. Iba rin ang pinapakita niyang ngiti.
"Aw!" inda niya nang paluin ko siya sa tiyan. Naramdaman ko tuloy ang tigas nito. Cecilia naman gabi na oh!
"Bakit bigla-bigla ka ha? Hindi ka man lang nagsasabi na uuwi ka? Edi sana--"
"Sana hindi ko kaya naabutan na magkasama"
Umupo siya sa sala at naiwan akong nakatayo sa sinabi niya.
"Earl kung ano man ang iniisip mo mali yun"
Nanatili lang siyang tahimik at ginagalaw galaw ang bracelet niya.
"Earl! Magsalita ka nga!"
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit ng sobra sa akin. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya.
"Hindi na kasi kita matiis" seryosong seryoso ang mukha niya ng sambitin niya ang bawat salita sa harap ko. I really feel his sincerity. Ugh! Namiss ko talaga si Earl.
"Paano si Jane? Umuwi na rin ba siya?"
Napabuntong hininga pa si Earl bago ako sagutin. Hinihintay ko lang siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Novela JuvenilDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...