Chapter 2

140 15 5
                                    

**Nawa'y magustuhan niyo ho! Ipapagpapatuloy ko na ang kwento ni Cecilia na rakista sa gabi, malandi sa umaga hahahaha!



Chapter 2

ROCKgirl meets SCI-boy written by ratedxzc









Normal na araw lang dapat ito eh, pero dahil sa basa kong longsleeve na ang lagkit dahil sa juice ng lampang lalaking yun, nabulabog ang dapat sana'y tahimik na araw ko.

"Tol amoy pineapple juice ah" pangangasar ni Jef

"Leche" inis kong sagot a kanya.

"Bakit late ka ngayon?" tanong ni Chris habang naggigitara.

"Malas eh. Basta"

Biglang nagmadaling magligpit ni Chris ng gitara dahil parating na pala ang prof namin sa second subject. Oo, lecheng 'yan, 'di ako nakapasok sa first subject. Late na rin kasi, lagpas na ako ng 30 minutes kaya 'di na pwede pumasok. Choosy ang prof namin.

Tss.

Wala pa yung isa kong tropa si John, na'san kaya yun?

One of the boys ako lagi sa room. Ang tatlo ko kasing lalaking kasama lagi na si Chris, John at Jef ay classmate ko na since highschool, kaya kami-kami ang close.

Mas lalo pa kaming naging close nang maisipan naming bumuo ng banda.

Si Chris bilang drummer pero walastik din sa paggamit ng gitara.

Si John ang aming bassist.

At si Jef ang aming guitarist, slash second voice slash drummer slash bassist slash tiga-ligpit slash tiga-ayos slash tiga-bwisit, de joke. Si Jef kasi ang pinakamagaling sa amin pagdating sa instruments. Marunong din naman akong maggitara, pero drums hindi pa.

Ang tumayo namang vocalist ng aming banda ay walang iba kung hindi, AKO. Hehehe.

No choice eh, ako lang may boses sa kanila. DE joke, maganda naman ang voses ko "daw" sabi nila.

Wala kaming maisip na pangalan ng banda kaya pansamantala lang ang tawag sa amin.











LILY BAND.

Lily kasi sounds-like daw ng lilac. Ang lilac naman ay kulay purple na may pagka pinkish.

Sumisimbolo kasi ang purple sa future, imagination, and dreams. Parang kaming magto-tropa, malawak ang pangarap namin.

'Di naman msiyadong pinag-isipan pero may meaning pala. Maalam din 'tong mga tropa ko eh, pero astig naisip pa nila yun. Sila na.





Natapos ang second subject namin, as usual 1\4 ng oras sa lesson, 3\4 sa talambuhay ng among dakilang professor sa Philosophy.

Nung araw daw ganito ganyan lang ang mga kabataan, ngayon ibang-iba na.

Eh dati pa yun eh. Lahat nagbabago.

Sabi nga sa famous quotation ni Heraclitus, " Everything changes and nothing stands still."

Change lang ang constant, lahat nagbabago.

Parang feelings niya, hindi magtatagal magbabago lang, iiwan ka lang din niya sa huli. Alangan namang sa una palang iniwan ka na, edi naloka ka na forever. Ay wala nga palang forever. Tse.



Dami mong alam Cecilia, magmahal lang hindi. K.



--

Pauwi na kami ng dalawa kong tropa dahil dalawang subject lang kami ngayom. Pupuntahan na lang daw namin si John sa bahay nila sabi ni Jef. 'Di kasi pumasok eh, magpa-practice pa naman kami ngayon para sa tutugtugin namin sa birthday ng classmate namin.

Naglalakad na kami papuntang gate nang may tumawag sa amin mula sa likod.

"Hoy mga tol!"

"Uy tol, nandyan ka pala. Bakit 'di ka pumasok?" tanong ni Chris

"Onga tol, saka sino 'yang kasama mo?" si Jef.

Lumingon na ako sa likod non, 'di ako napalingon agad kanina kasi nakita ko a gate si Zoey ang kaisa-isang close kong babae sa room, kumakaway siya sa akin mula sa gate.

"Teka isa-isa lang tanong mga tol, late na rin kasi ako kanina eh. Galing pa akong airport, sinundo ko si Mama. kauwi niya lang" sagot ni John.

Biglang nalungkot ang mga mata ko nang marinig kong sinabi ni John ang salitang "Mama". Pero napalitan naman agad ito ng gulat dahil sa nakita kong kasama ng John.

Leche 'to ah. 'Di ko pa nakalilimutan ang juice sa loongsleeve ko. Banasa rin pala yung relo ko kaya mas lalo akong nagalit.

Nang magtama ang mga paningin namin, nagulat din siya at parang nahihiyang tumingin sa akin.

"Ah siya, nakita ko sa tapat ng room kanina. Classmate pala natin ;to sa first subject sa Literature pero irregular siya." ani John.

Hinayaan ko lang silang magtanungan habang ako'y nakikinig lang at nakatingin a lalaking 'to.

"Ah, pero bakit wala siya kanina?" tanong ni Chris.

"Late na rin daw kasi siya, may natapunan pa raw siyang juice kanina sa pagmamadali niya" ani John.

"Hahaha, pineapple ba?" saad ni Jef habang tumatawa.

"Ha? Pineapple ba pre?" tanong naman ni John sa mokong na lalaking yun at tumatawa rin siya ng pigil.

Aba, kapal ng mukha nito ah at nakuha pang tumawa ha.

Nasa harapan mo lang kaya akong leche ka.

"Wala yun tol 'wag mo na isipin" ani Jef at nagpigil ng tawa dahil nakita niya ng badtrip na ang mukha ko.

"Pre ano pala pangalan mo?" pagsingit ni Chris.

Ano kayang pangalan nito nang ma-floodlikes ko sa Facebook mga luma niyang pictures. Bwahaha.

De joke lang, 'di naman ako ganun kasama. Konti lang.

Nahihiya pa ang mokong nang magsalita siya.







"Earl Nathan Sales" sagot niya.

Ayos ah, lakas maka-inosente ng datingan ng pangalan niya. Sabagay, mukha siyang inosente sa ayos niya.



Eye glasses...

White t-shirt...

Maong pants...

plus Rubber shoes.

Hmm.



Ang simple niya naman.

Rockgirl meets SciboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon