"Happy New year!!!"
"Aray ko naman Ya!"
Kanina pa ko naaapakan ni Yaya Bing kakatalon dito sa tapat ng bahay namin. Para kaming shunga ditong apat dito.
Walang thrill kasi fountain, fireworks at lusis lang paputok namin. Ayaw kasi ni Yaya ng sumasabog baka daw maputukan kami ni Eli matanggal pa siya sa trabaho.
"What's your wish in your new year?" si Yosh na nasa gilid ko't kumakain ng barbeque.
"Wish ba sabi mo ha? Ano?" 'Di ko masiyadong marinig si Yosh sa ingay dito kahit nasa tapat lang kami ng bahay.
Dito kami naglagay ng mesa sa harap para makita namin ang mga fireworks sa kalangitan. Boring naman kasi kung magkukulong lang kami sa bahay.
"Yes! Your wish!" sigaw na niya para magkarinigan kami
"Wish ko matupad lahat ng wish ng lahat hahaha" wala akong maisip na wish. Hindi naman kasi ako mahilig magwish. Kung ano kasi ang dumadating ay tinatanggap ko lang.
"Aw your so kind huh" ani ulit ni Yosh.
Si Eli at Yaya naman ay sinindihan yung fountain sa labas ng gate namin. Tuwang-tuwa naman si Eli.
"Sandali lang Yosh ah" paalam ko kay Yosh dahil tumatawag si Earl.
"Earl! Happy New Year!"
"Happy New year!"
Napahinto ako dahil ibang boses ang narinig ko. Nahiya tuloy ako bigla.
"Ay tito hello po! Happy New Year"
"Pupunta kami ng Earl mamaya diyan kaya 'wag mo siya masiyado mamiss ha"
"Hahaha si tito sige po"
Narinig ko si Earl na gustong kunin yung cellphone pero ayaw ibigay ni Tito. Ang kulet nilang magama.
"Sige hija mamaya na lang ulit ha"
"Opo sige po!"
Natapos naman agad yung tawag at lumabas na agad ako. Pupunta sila dito so ibig sabihin ay kasama si Tito. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Cecilia!!!"
"Oh bakit Ya?"
Nagsisigawan na kami dito dahil ang ingay talaga sa labas.
"Ipasok na natin ito"
Pinasok na namin yung mga pagkain na nakalabas at sa loob na lang ulit kumain.
Maraming nagpapaputok kahit saan. Mausok na rin kaya pinili na namin na sa loob na lang.
Kumain lang kami ng kumain sa kusina habang si Eli ay nag-iingay gamit ang torotot niyang pagkalaki-laki.
"Ya si Mom 'di ko macontact"
"Ako din eh, baka dahil maraming gumagamit"
"Hindi rin mareach sa skype mabagal yung internet eh. Siguro kahit mamayang umaga na lang Ya?"
"Oo siguro mamaya na lang"
Nakikinig lang si Yosh sa amin. Hindi rin kasi siya makatawag sa family niya na nasa Japan din.
"Then we'll just enjoy this day! Happy new year! Tooooot!" saaf ni Yosh sabay patunog ng torotot. Para siyang bata.
Tumawa lang kami ni Yaya sa ginawa niya.
"Ate! May bumubusina sa gate!" sigaw ni Eli.
Agad naman akong tumakbo palabas. Baka sila Earl at Tito Ed na yun.
BINABASA MO ANG
Rockgirl meets Sciboy
Teen FictionDarating sa buhay natin na makakatagpo tayo ng mga taong pwedeng makapagpasaya, makapagpabago at makapagpaiyak. Minsan kasi akala natin perfect na ang kung anong meron tayo. Makakaramdam na lang tayo na parang may kulang? May mga bagay na gusto mo p...