JM's POV
Anong oras na kaya kami matatapos sa chill later? Tinatamad ako eh. Gusto ko lang makita si Miles. Sasapakin ko na kasi yon! Laging busy sa bf niya.
Usapan namin dati kahit may Bf/Gf na dapat close parin kami sa isa't isa. Pero hindi na siya sumusunod!
"Joseph, ito na po yung susi ng kotse. Ingat ka iho!" Uy si manang Marie.
"Salamat po manang!"
"Tumawag kanina ang Mommy mo. At hinahanap ka."
"Aww. Sige po manang, I'll just text her later para makapag chat kami."
"O sige. Ano bang gusto mong ulam mamaya iho?"
"Kayo na po bahala! Halos lahat naman ng luto niyo, gusto ko."
"Bolero talaga 'tong batang ito. O sige na baka ma late ka pa sa lakad mo."
"Haha. Totoo naman po! O sige. Bye manang!" I just kissed her on her cheeks.
Parang 2nd Mother ko na rin si manang. Kasi sinced my family left, Hindi ako pinababayaan ni manang. Lagi siyang anjan para sakin.
Pinaka magandang evidence na parang 2nd Mother ko na siya nung kinomfort niya ako nung nag break kami ni jenny.
*Flashback
Ding dong...
"Oh iho! Ano naging successful ba?" She ask me with a smile.
Hindi lang ako umimik. Sobrang sakit! Nilalamon ako ng kalungkutan.
"Ano nangyare iho? Umupo ka muna dito at mag usap tayo." Hinila niya ako at pinaupo sa sofa.
Wala parin akong balak mag salita. Ayokong mag drama. Lalo na kay manang. Kasi madalas, lagi kaming nag tatawanan at ayaw namin ng ma-drama.
"Iho, mas maganda kung ilalabas mo yan. Wag mo ikulong sarili mo jan sa nararamdaman mo. Andito ako iho andito ang balikat ko."
Hindi ko na napigilan at...
Niyakap ko si manang at... napaiyak
"Sige iho, kaya mo yan." Sabi ni manang habang hinihimas likod ko.
"Manang, *sniff. So-sorry po ah *sniff."
"Para saan iho?"
"*Sniff.. Ka-kasi nabasa ko na damit niyo ng dahil sa kadramahan ko. Haha! *Sniff."
"Sus wag mo intindihin yan iho. Ano ba nangyare?" Umalis na ako sa pag kakayakap ko sa kanya at pinunasan ang aking mukha.
"Manang kasi, nadatnan ko si.."
"Hmmmm?"
"Nadatnan ko sina Louis at Jenny na nag hahalikan. Manang, ang sakit lang."
"Natural lang yan iho. Lagi mong tatandaan na, may mga bagay lang na nangyayare dahil may dahilan. Mas maganda nga diba na nalaman mo na ganyan. Ang magandang gawin nalang ay mag move on at tanggapin lahat. Tara sa kusina, mag luluto tayo ng gusto mo. Okay ba?" Ang swerte ko sa yaya kong 'to! Hindi na nga yaya ang turing ko dito! Nanay na. Pero mahal ko parin si Mommy.
"Haha! Tara na manang! Alam mo talaga kung ano mag papagaan sa loob ko."
*End of flash back.
Haay! Ang galing talaga ni manang. Ay teka? Makapag drive nga nga. At shempre! Soundtrip para mas cool.
Now Playing: Far Away by Tyga feat. Chris Richardson. Favorite namin 'to ni Miles eh! Pareho kasi naming idol si Tyga. Haha! Angas kasi eh.
"I'll do anything just to see her face. Walk a thousand miles just to see her smile again." Yan ang laging tumatatak sa utak ko? Ewan ko kung bakit?
Hindi kaya dahil baka gagawin ko sa future gf ko yan? I'll walk a thousand miles just to see her smile? Or should I say I will travel? Haha. Hindi ko kasi kaya mag lakad ng ganun! Pero patay na kasi yung girl sa kantang 'to.
Malapit na kaila Marceline. Nakakatamad bumaba! Bubusina nalang muna ako. Alam na naman nila tita yon.
MM'S POV.
*Peep.. Peep..
La? Sino yung nag bubusina? Gabing gabi na ah. Pero teka? Isang tao lang pala makakagawa nun!
"Oh, Joseph!" Sabi ni mommy.
"Ay hello tita! Good evening po! Hug naman diyan! Haha."
Mas super close pa ata ni mommy si JM kaysa sakin eh? Haha. Mommy always call him as "Joseph" Maganda raw kasi!
"Grabe ha? Ang ingay! Makabusina? Wagas?" Lumabas na ako para salubungin siya.
"Wushu! Arte mo. Aga aga pa 'teh!"
"Hahaha! So gay."
"Tita, gay raw ako oh? Haha."
"Gay ka jan anak! Gwapo gwapo ni Joseph eh."
"Mommy you're such a kunsintidor! Haha. Panget niyan eh. Duh!"
"Yabang! Kinaganda mo? Hahaha. Tara na! What time na oh."
"Nyenye. Wait, I'll just get my bag ugly. Hahaha!"
"Eto talagang dalawang 'to! Joseph, ingatan mo yang anak ko ha?" Papasok na ako nung sinabi ni mommy.
"Nako tita! Hindi kami mapapahamak niyan. Eh mas maton pa ata sakin yan! Haha."
"Bakla ka kasi! Hahaha!" Sinigaw ko.
Andito parin si Aron. Hay! Mami-miss ko kagad 'to. OA but true!
"Babe, anjan na si JM. We'll go na. So, uwi kana kagad ang mag pahinga pag nakaalis na kami ah?"
"Yes my princess! I love you." And then he kiss me on my forehead.
"I love you more my prince!" We hugged. ♥
--
A/N:
Thanks for reading! Ano na kaya mangyayari sa plans nila Aron at MM for JM? :)
ADD&FOLLOW! Thanks♥
Facebook: https://www.facebook.com/Yoawesomeleezy
Twitter: https://twitter.com/missylarie
(Edited)
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...