JM's POV.
.
"Ano ba nangyare paps?" Ang sabi sakin ni Nick. Niyaya ko sila dito kompleto lahat ng tropa.
"Nasaktan ko kasi si.." Halata sa mga mukha nila ang pag hihintay. ".. si MM." Ang sabi ko.
"Ano?! Sinaktan mo ang baby ko?!" Sabi na eh. Unang mag re-react 'to si Patrick.
"Teka. Mali ata iniisip niyo." Ang pag sasabi ko.
"Teka wag exaggerated paps. Panong pananakit ba ginawa mo? Through physical ba o emotional?" Ang tanong ni Kyle.
"Through emotional." Ang sabi ko.
"Ahh. Emotional naman pala." Ang sabi ni Patrick. Natahimik lang kami ng 2 seconds..
"Pero pananakit parin yon!" Sabay sabay nilang sinabi. Woah!
"Ano ba kasi yon?" Tanong ni Patrick na may tonong galit.
"Gago ka bro! Ano ginawa mo?" Ang sabi ni Dan.
"Nag away ba kayo?" Ang sabi ni Jason.
"Paps! Babae yon at ang malala aport pa natin." Sabi ni Carlo.
"Oo nga bro." Ang sabi ni Menard.
Tinignan ko si Nick kasi siya ang sunod kay Menard. "Ano? Ikaw? May sasabihin ka?" Daig pa nila scripted kung makapag acting eh.
"Wala. Sagutin mo nalang sila." Biglang subo ng cheesecake na kinakain niya. We are here at Starbucks, Mall of Asia. Pag talaga kumakain siya bihira mo lang makausap.
"Easy. Nakita kasi niya kami na nag kiss kami ni Cherry kahapon. Taz parang naging awkward sa kanya yon kaya tumakbo siya palayo. Hinabol ko tapos hindi manlang lumingon hanggang tumakbo siya sa CR hinintay ko siya sa labas non. Kalahating oras din siyang nasa loob kaya nung lumabas siya, nabadtrip ako. At kung ano ano na pinag sasabi ko." Ang paliwanag ko.
"Ano ba sinabi mo?" Ang sabi ni Patrick.
"Basta. I need your help mga bro. Gawa tayo ng effort para sa kanya." Ang sabi ko.
"Ano? Feeling boyfriend lang paps? Pero you and Cherry kissed?! Lupit mo pare!" Sabi ni Nick.
"Pwidi, pero dipindi. Hahaha! Ulul. Siya naman kasi may gusto non eh. Pero mga paps, nahihiya kasi ako kay MM. Chaka ilang buwan nalang mga pars aalis na ako. Patulong naman." Ang sabi ko.
Maya maya ay may tumawag sakin. Si.. si Cherry. Since that day nag ka-ilangan na kami lalo. I think she has a crush on me.
"Hello?" Ang pag sagot ko.
"A-asan kayo? Si.. Ton.. punta na kayo dito ASAP." Sabay patay ng CP niya.
Medyo nataranta na ako. "Sino yun paps? At ba't ka namumutla?" Ang sabi ni Menard.
"Si.. si Ton. Tara!" Sabay sabay kaming tumayo at naglakad palabas.
"Mga brother! Teka. Hindi ako makaalis dito sa upuan." Ang sabi ni Carlo. Upong bahay kasi ginawa ni gago. Tinulungan na siya nila Dan at nag simula na kaming tumakbo sa Kotse.
Wala pang 20 mins ay nakarating na kami.
"Ton!" Sigaw ni Dan ng buksan ang pinto kasama ng mga ngiti niya sa labi. Nadatnan namin si Cherry.. naiyak.
"Wa-wala na siya. Hi-hindi na niya kinaya. Nagising siya kanina nakapag usap pa kami pero.. bi-bigla nalang siya nawalan ng malay at hindi na nahinga. Sa-sabi ng doctor hindi na raw kinaya ng puso ni-niya." Patuloy na naiyak si Cherry. Samantalang kami parang biglang tumigil ang mundo namin.
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...