Chapter 27

50 0 0
                                    

Cherry's POV.

Naiisipan kong ngayon nalang pumunta dahil nakatulog ako kahapon at ngayon lang nagising. Grabe, ang haba ng tulog ko. Gagawa nalang ako ng sandwich na favorite ni Ton para pag nagising na siya, makakakain na siya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Lord.. wag naman sana.

One new text message. Si tita, ang mommy ni Ton. Nasabi ko narin ang nangyari sa kanya.

From: Tita Armina Legarda

Hija, we can't still go home right now. Kung pwede lang patakas na umalis dito gagawin namin pero you know, may mga proseso pa bago kami makauwi jan. So, please take care of my baby boy. Huhuhu. I miss him so much. Hindi ko akalaing mangyayari sa kanya ito. Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya.

Naaawa ako kay tita. I know this is really hard for her. Actually, ayaw niya nga talagang iwan si Ton dito sa Philippines. Sa sobrang maalaga ni Tita ayaw niyang mawala sa paningin niya si Ton kaso nag pumilit si Ton na dito muna siya since hindi rin naman sumama si JM sa parents niya kaya pinayagan rin siya at nandito parin naman ako.

To: Tita Armina Legarda

Don't worry tita, I'll take care of him. I'm very sorry for what happened to him. See you soon po.

Hindi pa ata alam ito ni Mr. Jerry Legarda ang father ni Ton at siguro pati rin si Angel Jernie Legarda ang bunsong babaeng kapatid ni Ton. Sana hindi pa nila pinaalam kay Gel. I'm sure, she will be hurt. Ton is her favorite sibling rather than Ate Aria Jessie Legarda or Sis Ria ayaw niyang mag patawag na ate kaya sis nalang daw. I admire Ton's family! Puro babae kasi ang mga kapatid niya at mababait naman ang parents niya. Hindi nga lang kami ganun kaclose ng father niya.

Pag katapos ko gumawa ng sandwich, dumiretsyo na ako sa kotse ko. Nakaligo na naman ako at nakapag handa na ng mga damit. Mga ilang minuto ay nakarating na ako sa hospital. Habang papalapit ako sa room namin ay biglang bumabalik sa utak ko ang mga bagay na nangyari nung isang gabi..

Flashback.

"Ton, let's go home! Tama na! Baka mamaya marami pang kasamang dumating yan!" Hanggang ngayon hindi parin siya matigil sa pag susuntok dun sa lalaking bumastos sakin at sa mahal niyang... si miles.

"Wala akong pake! Umuwi ka na! Iwanan. mo. na. ako. dito!" Bawat salita niya sinusuntok niya yung mukha ng lalaki. Basag na basag na yung mukha nung lakaki ayaw parin tumigil ni Ton. Naiinis na ako.. nag seselos.. at nasasaktan. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka galit at over protective sa babaeng mahal na mahal niya kahit akong bestfriend niya, hindi siya nag kaganyan as far as I know.

"Hindi kita iiwan." Pag kasabi ko nun ay tumigil na siya at napatingin sa'kin. Nakita ko ng malapit na siyang mapaiyak. Nakikita ko na nasasaktan siya. Nakita ko rin sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si miles.

Lumapit siya sakin at bigla niya akong niyakap. Ngayon na lang ulit siya nag breakdown ng ganito. Sa tagal na naming mag bestfriend ngayon lang nangyari 'to. Sa lahat ng babaeng alam kong minahal niya, kay MM lang siya nag kakaganito. He's getting weird.

"T@ng ina mo!" Nagulat ako ng may humapas ng upuan sa likod ni Ton na tumama sa kamay ko. "Ang tapang mo ah! Nakuha mo pang mag stay dito ng matagal pag katapos mong basagin mukha ng tropa namin?! Ngayon, hindi ka na namin bubuhayin." Ang sabi ng lalaking humampas kay Ton.

Maraming pumaligid samin at tinignan ko yung kamay ko na nag dudugo dahil sa pag hampas ng upuan. Pinag tatadyakan na si Ton ng mga lalaki. Mahina na siya, nawala na lakas niya dahil sa galit niya dun sa isang lalaki. At lasing na siya kasi ang dami niyang nainom at umiinom pa siya kanina habang sinasapak niya yung lalaki. Tumakbo ako at niyakap ko si Ton. "Ton! Tama na! Wag niyo sasaktan bestfriend ko. Kasalanan naman ng tropa niyo ito kasi bastos siya! Tama na." Humagulgul na ako sa mga nangyayari ayoko makita si Ton na nahihirapan. Para ko na siyang kapatid. Hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko.

I never knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon