Marci's POV.
.
.
.
Medyo late na ako. Nag mamadali at nag tatakbo na ako kahit medyo late na. Pumasok na ako sa gate ng school at nag pahinga ng konti. Waa. Late na naman pahinga lang muna. Nilakad ko nalang papuntang room. Pag kadating ko dun nag pahinga muna ako saglit. "*sigh.. Keri na 'to."Mukhang ang ingay nila sa loob. Anjan na kaya yung subject teacher namin? Binuksan ko yung pinto at nagulat ako ng natahimik silang lahat pag pasok ko. O.o Awkward. Nag madali na akong umupo at ang tahimik na nila talaga. Ano nangyare? May dumi ba sakin? May mali ba?
"Babe!"
She usually call us babe this past few days. Kaya alam kong si sam yun.
"Ow? Btw, ba't tumahimik sila?"
"Ikaw daw representative natin sa talent day?" Candy
"Sad to say, oo." Actually, hindi ko naman talaga 'to gusto. Kaming mga mag kakaibigan, hindi talaga nasali sa mga ganito. Ewan ko kung ba't napasok ko 'to.
"Yun. Ikaw binoto namin eh! Hahaha." Pauline
"I knew it!" Sabi ko.
"Kilala mo ba mga kalaban mo?" Candy
"Hindi pa eh. Sino ba?"
"Yung Jenny San Juan at Cess Mae Legarda ang kilala ko eh. Diba ex ni JM yung Jenny? Tapos si Mae yung bitch dito sa school."
Oo nga noh? Sila makalalaban ko? Wow.
"Oh natahimik ka? Are you scared?" Sabi ni Pauline.
"Of course not. Why should I? Hindi naman nila kilala kung sino ako."
"Oy meron pang kasali! Yung Yassi na ex din ni JM? Dito pala nag aaral yun?" Sabi ni Marie na classmate namin.
"So, ba't kailangan sabihin? Hindi naman namin kilala yun. Dun ka na nga!" Sabi ni sam. Eto talagang babaeng 'to ang taray!
"Miles." Isa lang tumatawag sakin.ng ganun. For sure si JM yun.
"Oh bakit Marco?"
"Ikaw daw representative?" He's with ton.
"Oo eh." Parang walang gana siya ngayon eh. Kaya ganyan lang response ko.
"Kilala mo na ba partner mo?" Sabi ni Ton. Oo nga noh? Hindi ko pa kilala kung sino.
"Hindi pa eh. Sino ba?" Nakita kong naalis tingin ni JM parang iba ugali niya ngayon? Ano problema nito?
Sumenyas si Ton na si JM raw. Oh? Siya! Buti naman! Para comfortable ako sa partner ko!
"Ikaw Marco?!"
"Stop calling me marco. Napilitan lang ako."
"Edi best. Ako din naman eh."
"Kahit best, wag."
"Eh ano gusto mo?"
"JM."
"Okay"
Dumating na yung subject teacher namin at umupo na kami sa mga sarili naming upuan. Ano nanaman kaya problema nun?
.
.
.
TON'S POV
.
.
.
Andito na si MM. Gusto ko sana ngayon umpisahan ang pang liligaw sa kanya. Nakahanda na ako sa lahat ng pwede kong gawin para lang patunayan kong willing ako sa kanya. Sana mag work lahat ng plans ko. Sana makamit ko ang matamis niyang, oo.
*After 2 subjects..
Recess na. Kakausapin ko muna siya. Wala si JM eh. Nauna na kasama mga ibang tropa niyang Varsity. Varsity kasi siya dati eh. Para daw makaporma ako kay Miles ng hindi halata na pinayagan na ako ni JM manligaw sa kanya. Oo, si JM lang talaga ang sagot para maging GF si Miles lalo na kapag kaibigan mo sila pareho.
"Miles!"
"Oh ton?"
"May kasama ka ba mag break?"
"Oo eh. Sila sam. Bakit? Teka.. asan si JM ba't hindi mo kasama?"
"Ah-eh. Nauna na siya. Sige baba na ako."
"Uy, teka. Sama ka na samin."
"Ha? Okay lang ba?"
"Oo naman! Kaibigan ka naman namin eh. Dati naman nasama ka talaga samin. Ngayon ka pa ba mahihiya?"
"Oo nga. Haha! Sige. Teka asan sila sam?"
"Asa CR eh."
Eto na pag kakataon kong sabihin sa kanya na manliligaw ako. Ang pan liligaw kasi hindi tinatanong. Dapat kung willing ka talaga, hindi mo na kailangan nag paalam sa kanya.
"Ah.. miles, may sasabihin sana ako.. ahm.."
"Ano yun?" Nakangiti siya ng maganda habang sinasabi yan. Nakaka inlove talaga siya. Hindi man siya kasing Ganda ng mga magaganda sa buong mundo, siya parin ang gusto ko... "Uy, ton? Okay ka lang? Nakatulala kana jan." Dugtong niya. Grabe talaga epekto niya sakin.
"Ah, oo."
"Ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Uy!" Si sam. Ahh. Wrong timing naman!
"Wala. Next time nalang." Tumingin lang siya sakin ng "confuse" look.
"Ah sige. Uy guys sasama pala satin nag break si Ton."
"Sure. Why not! Tropa yan eh. Haha." Sabi ni pau. Nginitian ko lang siya
Hindi pau... hindi ko gusto magibg tropa lang ni miles.
--
A/N:
Wow. Ang tagal kong hindi nag update. Hahaha. Sana, binabasa at babasahin niyo parin 'to. :) Guys I need your support. Haha. Medyo nawawalan na ako ng confidence ituloy 'to eh. :( But still, I thank you guys for reading this. :) That's all. God bless. <3
Iamleezy
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...