Chapter 24

66 0 0
                                    

MM's POV.

.

.

Ahh. Ang sakit ng ulo ko. Where am I? Napatayo ako ng luminaw ang paningin ko. I've never seen this room before. Kaya asan ako?! Baka.. baka.. baka.. bahay 'to nung kumausap sakin sa club. Miles! You're idiot! I'm sure lagot ako nito. Hinanap ko yung bag ko para makita yung cellphone ko pero hindi ko makita.

"Omygod. Naiwan ko yung gamit ko sa club. Sa dami naming kasama wala man lang ni-isa ang nakapansin na tinangay ako nung guy dito.." Napatulala ako ng nakita kong iba yung damit kong suot! "What the hell!" Napasigaw nalang ako. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Iha, okay ka lang?" Napatulala ako sa nakita ko.

"Ma-manang?!" Tama. Siya nga! Teka. Sa iba na siya nag ta-trabaho?

"Oo ako nga ito. Okay ka lang ba?" Ang pag aalalang tanong niya at lumapit siya. Hinawakan niya ang ulo ko.

"O-okay lang po ako. Medyo masakit lang ulo ko. Ma-manang, sa iba ka na pala nag ta-trabaho?" Hindi ko na natiis ang mag tanong. Nakakahiya, baka isipin ni manang na sumasama lang ako kahit kanino. Nakakahiya talaga!

"Ha? Hindi. Nasa kwarto ka ni Jayrie anak. Kaila Joseph parin ako nag ta-trabaho." Ang pag tatakang sabi niya. "Sabagay lasing ka kagabi." Ang dugtong niya.

"Waaa! Thank God! Akala ko kung nasan na ako. Hindi po kasi familiar ang kwartong 'to. Kay Jayrie pala." Ang sabi ko. Hindi ko na talaga napigilan mag salita. Oh my dear God, thank you so much! Biglang napatingin ako sa damit na suot ko at hinawakn iyon.

"Hahaha. Kaya pala nasigaw kana kanina. Oo nga pala, pinaliguan na kita kagabi. Pasensya kana nakita ko pala lahat sa'yo. Haha. .Humiga ka nalang muna jan at dadalhan nalang kita ng pag kain at gamot." Naramdaman kong may mainit na dumampi sa mga pisngi ko. Nag ba-blush ako! Okay na siya nag palit sakin.. kaysa si JM! Kahit kailan talaga maalaga si Manang.

"Ah-eh.. Okay lang po atleast nga po napagtyagaan mo pa ako alagaan. Teka manang, nakakahiya po. Uuwi nalang ako." Ang sabi ko. Nahihiya ako sakanya.

"Mamaya na. Kumain ka muna. Mahirap umalis ng hindi nakain. Tatawagin ko na si JM." Ha? Si JM? Wa-wag. Ba't ba kasi naiwas ka? Eh bestfriend mo naman siya. Hindi mo kailangan magambala sa sinasabi ng iba. Ang sabi ng isip ko.Oo nga pero.. pero.. natatakot ako mangyari yung kinatatakutan ko. Hindi ko napansin na nawala na si manang sa tabi ko kaya hindi na ako nakapag protesta agad. She's really good at this.

"Good morning. Feeling well?" Napatingin ako sa kumatok at nag salita. Oh.. it's my lovely bestfriend.

"Morning. Not really." Ang nasabi ko nalang. Okay.. okay.. Get yourself together Miles!

"Ano nararamdaman mo? Masakit ba ulo mo? Teka kukuha ako ng gamot." Ang sabi niya. Hindi ako nakatingin sa kanya.

"Headache lang. Anyway, wag na. Kumuha na si manang." Ang sabi ko habang nakayuko.

"Best, may problema ba? Galit ka ba sakin?" He called me best. Nakaramdam ako ng irita sa narinig ko. Napansin niya narin ata ang pag iwas ko sa kanya.

"W-wala naman. H-hindi. Ba't naman ako magagalit?" Ang sabi ko sa kanya. 

"I know you already miles. Wala kang dapat itago sakin kasi alam ko na meaning ng bawat expression ng mukha mo at bawat kilos mo." Ang sabi niya sakin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Don't tell me... ramdam niya yon.. hindi pwede.. Miles, fight back.

"Teka, anong oras na pala. Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako ni mommy." Ang pag dadahilan ko. Kailangan kong makawala sa kanya.

"No! You're not going anywhere. Don't worry alam ni Tita na andito ka. Stop making excuses! Now, tell me. Bakit mo ako iniiwasan?" Nagulat ako ng makita kong mukha niya na para na siyang galit. Nakikita ko sa mga mata niya na confuse siya at may halong galit. Miles, tell him the truth! Ang sabi ng inner voice ko. Ano bang totoo? Naguguluhan ako. Na gusto mo na siya. More than friends..

I never knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon