Patrick's POV.
Tumatawag sakin si Ton. Bakit kaya? Wala pang ilang minuto ay sinagot ko na.
"Hello?" Ang bati ko.
"Hello? Is this Patrick Jimenez?" Narinig kong umiiyak na ang babae nasa kabilang linya. Bigla akong kinabahan.
"Oo ako nga po. Sino 'to?" Ang tanong ko. Baka pinag ti-tripan lang ako nito.
"Si-si Cherry 'to. *sniff* Yung bestfriend ni Ton. We're at the hospital. Sorry kung naabala kita kasi hindi ko talaga macontact si-si JM. Please, come over here at the San Juan De Dios Hospital hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko."
"Te-teka. Wait mo ako jan! I'll be there in 20 mins. Paki text nalang sakin ang room niya at anong floor para dire-diretsyo na ako." Pinatay ko bigla ng phone ko.
Putang ina talaga! Hindi ko parin makalimutan nangyari kanina. Kakagaling ko lang kaila Shane nun tapos ganun na nangyari. Kung sino man yung mga hayop na bumugbog kay Ton, mapapatay ko talaga sila. Nang puntahan na namin si Marco parang wala siyang alam. Nanghihina ako kaya hindi ko nasabi sa kanya ng diretsyo. Hindi ko akalain na si Ton pa mapapahamak ng ganito.. pwede pa kung kaila Nick kasi mga basagulero rin itong mga ito. Pero si Ton? Mabait siya pero hind siya nag papatalo pag siya na kinalaban.
"BULLSHIT! Pano nangyari yon?! Kelan?! Sino gumawa?! Tang ina niyo kung joke 'to gago kayo hindi nakakatuwa!" Ang sabi ni JM.
"Hindi paps. Actually, andun nga si Vin. Binabantayan si Ton at pinauwi na si Cherry. Masyado siyang napuruhan. Walang parte ng katawan niya at mukha ang walang tama. Lamog na lamog siya. Sabi ng doctor walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya lalo na't nabaril pa siya sa may.... puso." Ang sabi ni Dan. Hindi parin siya nag sasalita. Halatang galit na galit siya sa mga naririnig niya at anytime, alam kong mag wawala na siya.
"Pe-pero.. sino gumawa nito?" Ang tanong niya na nakayukom ang mga kamay niya.
"Ang sabi ni Cherry yung mga kasama ng lalaking binugbog niya kagabi. Bigla raw kasing dumating. Buti nga kamo at hindi napahamak si Cherry." Ang sabi ni Menard.
"Putang ina nila... mag babayad sila lalo na pag may nangyaring masama kay Ton." Ang sabi ni Marco.
"Bro, kalma ka lang muna. Mag papahinga muna kami dahil kanina pa kami nasa hospital. Kapag gusto mo ng bisitahin at kailangan mo kami text mo lang kami pero kung hindi naman sa San Juan De Dios.Hospital lang siya dinala." Ang pag papaliwanag ko. Hindi na siya nakaimik at umakyat na sa taas ng kwarto niya.
"Anong sign ng eksana niyang yun? Na dapat umalis na tayo?" Ang sabi ni Carlo.
"Dude, anong balak sa mga gagong nang banat kay Ton?" Ang tanong sakin ni Kyle.
"Wag na muna nating isipin yun. Isipin natin kalagayan ni Ton ngayon. Tara na." At bigla na kaming lumabas ng bahay nila.
One new text message.
From: Marie San Juan
Guys, pinatatanong pala ni Ma'am Cruz kung bakit hindi kayo pumasok? Ang dami niyo kasing wala eh.
Ha? Marami kaming hindi pumasok? Halos lahat ba may hang over? Hayaan na yon. May excuse naman kami eh. Hindi ko nalang siya nireplayan.
"Nareceive niyo text ni Marie?" Ang sabi ni Carlo.
"Oo. Hayaan mo na siya at si Ms. Cruz. Sige, mga paps. Kitakits bukas!" Ang sabi ni Nick.
Alam na kaya ito ni Miles? Tinawagan ko siya hindi naman nasagot. At maya maya biglang namatay ang phone niya.
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...