Laxies POV
.
.
.
"Sigurado ka ba dito?" Ang tanong ko kay Jordan. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang hirap ng ganito.
"Oo! Dalian mo na bro. Wag kang bading. Papaiwan mo lang naman sa labas." Ang sabi niya.
"Tss. Pano kung malaman niyang ako?"
"Edi panindigan mo. Mag tapat ka na. Ano ka ba! Lalaki kaba talaga? Baka naman ako ang gusto mo? Hahaha. Tara na nga babe alis na tayo dito. Pakiss nga!"
Akmang lalapit na siya ng sinigawan ko "Gago! Tigilan mo ako. Wag mo ako igaya sa'yo bading! Dun ka nga!" Sabay tulak sa kanya "Ge, dadalhin ko na sa guard."
"Hahahaha! Dalian mo! We still have classes."
Nag cutting kami sa 3 subjects namin. Ang tagal kasi ni Jordan at bumili pa kami ng bouquet at chocolates. At nandito kami sa school ni Marceline Miles Santos. Yes, para sa kanya itong mga 'to. Gusto ko siya.. and I want her to be part of my life.
Nag lakad ako papuntang gate nila at ibibigay ko ang mga ito sa guard.
"Hello, Good morning."
"Yes sir? What can I do for you?"
"Do you know Marceline Miles Santos?" Wala ng paligoy ligoy pa at tinanong ko na kagad siya.
"Ahm. Yes sir! Si kulet. Haha. Madalas pumunta dito sa gate yun eh. Bakit po sir?"
"Oh? Good thing! Iiwan ko sana 'tong mga dala ko para sakanya..." Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko
..
"Manliligaw ka po ba ni kulet?"
"Ha? No. Ah.. soon?" Napahawak ako sa ulo sa mga nasabi ko. -.- "Wag niyo nalang po sana sabihin na ako nag bigay. Kahit itsura ko wag mo po sanang ipaalam. Magiging masaya ako kung ganun."
"Pano sir kung mag tanong siya?" Medyo matanong si Manong guard.
"Sabihin mo lang po na hindi mo kilala. Nag coffee ka lang at biglang may nag iwan na. I have to go. Sana po matulungan niyo ako at aasahan ko po kayo. Thank you and Have a good day!" Umalis na ako papunta sa kotse ko na
"Maasahan mo ako. Don't worry sir!" Umalis na ako at nginitian lamang siya. Sana tumupad siya sa usapan.
I want you to be happy, but I want to be the reason why you're happy, Marci.
.
.
.
.
MM's POV.
.
.
.
.
Pag katapos ng ilang klase namin ngayon, mas pinili ko munang kasama si Ton. Ang kulit kasi nito kanina pa kami mag katabi sa upuan nila sam, pau at candy kaya tawa kami ng tawa. Si marco naman ang tahimik, hindi man lang siya lumilingon samin kapag tinatawag namin siya. Ang katabi niya sila Marie. Dapat ako katabi niyan eh! Lagi kasing tumatabi yan pag na bo-boring siya kaila marie. Pero ngayon parang nag e-enjoy na siya dun. Baka hindi na ako ang Bestfriend niya.
Maya-maya nag bell na. Tapos na ang last subject namin. Bigla akong na excite sa pag labas sa school. Ewan ko kung bakit. -.-
"Miles! May kasabay kaba umuwi?" Sabi ni Ton.
"Ewan ko eh. Pag ayaw ni JM baka kaila Sam nalang ako.. teka, wala na ata si JM? Umalis na baka kaila sam na."
"Ah sige."
"Toooooon! Sabay kana samin. Dala mo ba kotse mo?" Sabi ni pau.
"Oo eh."
"Ay sayang." Sabi ni Pau.
"Asan sila sam?" Tanong ko.
"As usual nag CR lang. Nauna na ako kasi hahanapin ko kayo."
"Ahh." Ang sabi ko.
"Uy, una na pala ako." Sabi ni Ton.
"Teka, sabay kana samin palabas." Sabi ni pau.
"May lakad ka ba?" Ang tanong ko.
"Wala naman. Sige, sabay na tayo." He smiled.
"Eh baka nag mamadali ka? Okay lang ton." Sabi ko.
"Hindi. Hintayin ko na kayo." At ngumiti nalang ako sa kanya.
After 3 mins. lumabas na rin sila Sam at Candy. Grabe, medyo matagal.
"Uyy! Lets go na. Sorry kung matagal. Haha."
"It's okay tara na." Sabi ko.
Nag lakad na kami pababa para makalabas narin. Medyo wala ng masyadong tao kasi kanina pa siguro nag silabasan mga yun. Kaya mabilis ang pag kalabas namin. Palabas na kami ng gate ng tawagin ako ni Kuya kulet. Ang guard namin.
"Kulet!" Napalingon kaming lahat kasi alam na nila na ako yun.
"Oh bakit po Manong kulet?"
"Para sa'yo pala kulet." Inabot niya sakin yung bouquet at chocolates. Mukhang galing pa sa ref yung chocolates ang lamig eh. Te-teka.. ano 'to? Manliligaw si manong? Waaa.
"What the f? Don't tell me manong.." Tinakpan ni pau yung bibig ni Sam kasi alam niya na prangka talaga yun. "Hmm! Ano ba Pau! Bitawan mo ako."
"Baliw ka! Tumigil ka nga." Sinamaan ng tingin ni pau si sam as a sign na wag ituloy yung sasabihin.
"Tumigil nga kayo. Manong san po galing 'to?" Ang tanong ko..
"Kulet, ewan ko eh. Iniwan lang dito yan nakalagay pangalan mo tignan mo baka may sulat jan."
"Thank God it's not from you." Narinig kong bulong ni Candy. Hahaha. Baliw talaga mga ito.
"Wow. Hayuf." Ang sabi lang ni Ton.
Napatingin kaming lahat sa kanya kasi parang nawala siya sa pag ka masaya niya kanina. Natawa din kami kasi nasabi niya ang hayuf gamit ang seryoso niyang mukha.
"Hahahahaha! Problema mo Ton?" Sabi ni Candy.
"Hahahahahahaha!" Napatawa narin kaming tatlo ni Sam at Pau. XD
"Wala lang. Kasi hindi ko akalaing... may naunang gumawa na pala sa'yo niyan na dapat akong gagawa."
"Ha?" Lahat kami.
"Jokeeeee! Hahahaha. Natatawa ako sa mga itsura niyo. Hahahaha. Sana gwapo nag bigay niyan! Fafa sana." Nag bakla baklaan si Ton na nag dulot malakas na tawa namin.
"Hahahahaha! Gago ka. Ayoko na nga. Anyway, manong kulet salamat po!" Umalis na kami at naglakad papuntang parking lot. Naisipan kasi nila sam na pumunta samin.
Sino kaya nag bigay na ito? May nakasingit na papel sa gilid ng bouquet kaya naisipan kong buksan.
ALWAYS SMILE BECAUSE YOU'RE TOO BEAUTIFUL.TO BE SAD. :) -SA.
SA? Secret Admirer. Pano? Sino 'to? Iba kabog ng dibdib ko... Parang sinasabi nito na kilala ko 'tong taong 'to..
--
A/N:
Hi readers! How are you guys? :) Thanks for the support lovely bestfriend of mine! @Pceezy. Love you. :*
God bless everyone! :)
Iamleezy.
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...