Chapter 31 (Christmas Eve)

35 0 0
                                    

"Merry Christmas Everybody!" Ang sigaw ni Mommy. Andito sila Kuya Marwen and Ate Anne, Pauline, Sam, Candy at ang mag totropa na sila Patrick with his GF Sis Shane, Jason, Nick, Carlo, Kyle, Dan at si Menard. Nandito rin sila Laxies, Jordan, Bani & Jay-r. Sila kasi yung mga rich kid na wala ang family dito sa Philippines. Although some of their relatives are here but they still choose to be with us. Pero isang tao lang ang wala.. and it's JM. First time ko mag ce-celebrate ng Christmas ng wala siya. Ewan ko kung bakit. Hindi daw kasi siya macontact. Maraming pag kain dito kasi nag dala sila. Sana nga maubos din ito.

At nabalitaan ko palang wala na si Ton.

Flashback.

Nasa school kami ngayon sa may Guidance Office. After naming umabsent ng ilang araw kailangan namin mag explain. Nagulat ako at nandito si Cherry pero wala naman si Ton.

"Cherry!" Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag bigla. Nawala sa isip ko na may awkward scene pala kami.

"Uh, hey!" Ang pag tugon niya. She look pale. Nag karon siya ng eyebags at hindi na masigla ang mukha niya. What's wrong with her?

"Ah-eh. Where's Ton?" Pag kasabi ko non, parang binuhasan siya ng malamig na tubig. Ang kaninang nanghihina niyang mukha ay ngayon gulat na gulat. She's acting like she killed someone. "Bakit? May problema ba?" Ang dugtong ko.

"Hindi mo pa alam? Hindi sa'yo sinabi nila JM?" Ang sabi niya.

"Ang alin? Hindi ko nanaman sila nakakasama this past few days." Ang sabi ko. Anong meron?

"Wa-wala na si Ton." Ang sabi niya at may namumuong luha sa mga mata niya. Ano?

"Ano? What do you mean na wala na si Ton? Nag ibang bansa na ba? Ba't hindi man lang nag paalam sakin?" Ang sabi ko. Bakit hindi man lang niya ako tinext or tinawagan manlang. Nakakatampo naman.

"Baby Miles, patay na si Ton." Nagulat ako ng sumulpot si Patrick.

"Oy! Wag naman kayo mag joke ng ganyan. Hindi nakakatuwa ah. Mamaya makarating yan kay Tita Mina magagalit 'yon for sure." Ang sabi ko. Hindi magandang biro ang ginagawa ng mga ito.

"Iha, tama sila. Wa-wala na si Ton." Napalingon ako sa nag sasalita. Si Tita Armina. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Hindi ko kinaya ang nalaman ko kaya napatakip nalang ako ng bibig at napaiyak. Ba't si Ton pa. Ang bait bait niya. Nilapitan ako ni Tita Mina.

"Tahan na iha. Magagalit 'yon si Ton pag nakita ka niyang nalulungkot." Habang hinihimas ang likod ko at niyakap niya ako. "Nga pala, I need to talk to you and to you too, JM about my son's last will." Ang sabi niya. Nagulat ako na nandun lang pala si JM sa tabi ni Tita nakatingin lang sakin. Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng mga mata niya at expression ng mukha niya.

"Su-sure po Tita. I'm so sorry for your lost Tita. Bakit si-si Ton pa." Ang sabi ko. Parang ang sakit ng pakiramdam na mawalan ng kaibigan na kagaya niya.

"Ah. Tita! Ta-tara na po sa loob at mamaya na po ang flight niyo." Ang sabi ni Cherry. Parang may tinatago si Cherry sa tono ng pananalita niya.

"Ay oo nga pala. Iha, give me your nunber nalang. Tatawagan nalang kita or baka sa pag balik ko nalang dito baka the next day or sa Wednesday." Ang sabi ni Tita.

I just nodded. Pumasok na kaming lahat sa Guidance office at nakipag usap na sa Principal namin. Nakalimutan ko ng ibigay ang number ko kay Tita dahil sa pag mamadali ni Cherry. She's acting so weird.

(Libing ni Ton)

After 3 days, ngayon ko nalang ule nakita si Tita and Cherry. Hinihintay ko nalang rin na sabihin niya 'yong about sa Last will ni Ton pero mukhang busy siya sa mga bisita niya at palaging nakadikit si Cherry sa kanya. Kaya nawala nalang sa isip ko na tanungin si tita about doon. Marami ring kinuwento si Patrick sakin sa nangyare sa kanila noong mangyare ang misunderstanding namin ni JM. Actually, nagawa pa itanong sakin ni Patrick ang about sa nangyareng 'yon. Nakwento rin pala ni JM sa kanya iyon. Siguro, proud pa siya na nasaktan ako! Hindi naman sinabi ni Patrick lahat yung about lang sa kinwento sakanya 'yong pangyayareng 'yon lang.

I never knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon