MM's POV.
.
.
.
.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino 'tong nag dala ng mga ito.. at hanggang ngayon nandito parin sila sam sa kwarto ko. Dito pa ata nila balak matulog. Wala kasing pasok bukas. May special meeting daw ang faculty member sa school. Sunod sunod na 'to hanggang Monday dahil Friday bukas.
"Sino kaya nag bigay sa'yo niyan girl?" Sabi ni pau.
"I have no idea." Ang sabi ko.
"Siguro si... Aaron? Baka humihingi ng sorry? Hahaha. Sweet ah." Sabi ni sam. Napaisip ako, siya? Wag sana. Masakit... magiging masakit lalo kung babalik pa siya. Medyo, nakakalimutan ko na siya eh. Wag na sana siyang bumalik.
"Hindi yun. Naisip na nga niyang iwan ako sa ere tapos babalik pa siya bigla? Baka masaktan lang siya sakin papatayin ko siya sa suntok."
"Eh baka naman si Laxies!" Sabi naman ni Candy.
"Impossible." Sabay kaming tatlo nila sam. Haha. Totoo namang impossible, he will never do this with a girl like me. For sure, high standard girl ang gusto niya. Hindi naman sa sinasabi kong low standard ako, pero hindi kami pareho ni Laxies. Hindi kami bagay.
"Bakit imposible?" Ang tanong ni candy.
"High standard siya at ako sakto lang. Meaning, hindi kami mag ka-level. For sure gusto nun ka-level niya."
"Don't be so sure. Kung si Cinderella nga, nakahanap ng prince charming niya na hindi naman niya ka-level ikaw pa kaya?" Ang pagpipilit ni candy.
"We live in reality not in fantasy. Kaya itigil mo yang kahibangan mo." Ang sabi ko.
"At chaka kung si Laxies man yun, bakit mas gusto niyang maging Secret Admirer siya? Sa gwapo niyang yun, madali niyang mapapasagot 'to si Marci. Hahahahaha. True?" Sabi ni sam.
"True!" Sabi ni pau.
"Hahaha. Sabagay, pwede! Hahahahajoke." Ang pang aasar ko din.
"Suuus. Kunyare ka pa! Wag kami. Hindi mo kami maloloko." Sabi ni pau.
"Luuuuul!" Ang response ko. At binato ko sila ng unan. Haha.
"Alam mo, lokohin mo na lahat wag kami gaga." Sabi ni Pau.
"Hahayuft. Ganern? Bahala kayo jan."
"Hahahaha! Pero ano nga? Pano kung si Laxies nga?" Ang sabi ni Sam.
"I don't know. Marami lang tanong na papasok sa isip ko."
"Like what?" Nag sip ng hot choco si Pau. Nainom kasi kami ng hot choco. Malapit na ang christmas kaya medyo malamig na.
"Yung bakit ako? Madaming maganda jan, sexy, classy and rich. Why would he choose a girl like me? I'm sure there are lots of girls on their school who are better than me so why bother choose me?"
"Don't you believe in magic?" Sabi ni pau.
"Magic? Bullshit! Haha. Yan napapala mo kanunuod ng Got to believe eh! Again, we live in reality okay? Lahat ng mamayaman na lalaki ay may pag ka badass at hindi kasing bait ni Joaquin."
"Hahahaha! Ang bitter mo!"
Hindi na ako nag salita. Siguro kaya ako ganito dahil sa past ko. I don't know. But my past changed me a lot because he left me too much memories. Hindi pa cured yung sugat na iniwan niya although it's been almost 2 months when he left me with no valid reason. Putcha naman kasi eh! Sino bang babaeng matutuwa pag iniwan sila ng taong mahal talaga nila?
"Knock-knock! How are you girls?" Pumasok si mommy
"Hi tita! We're fine. Namiss kita ah!" Close sila ni sam eh.
"Tita where have you been this past few weeks? Haven't seen you since october." Sabi ni Pauline.
"Oo nga tita. Si Miles lang mag isa dito nun." Sabi ni Candy. Hindi siya nag english para maiba naman siguro. Haha
"Long story mga iha. Enjoy lang kayo jan okay? Dun lang ako sa sala."
"Okay tita." Sabay silang tatlo. Daig pa mga girl scout.
.
.
.
Ton's POV.
.
.
.
"Oh? Ano problema mo at napatawag ka?" Napatingin ako sa direksyon ng taong biglang pumasok sa pinto ng kwarto ko. I feel wasted.
"Love problem." Ang sabi ko nalang. Sino ba kasi nag bigay ng flowers dun kay miles? Putcha.
"What? Nag madali pa man din ako at akala ko mamamatay kana yan lang pala. Ang baduy mo na ah! Ikaw ba talaga ang bestfriend kong is Anthony James Legarda? Hahaha." Ang sabi ni Cherry. Sino paba ang tatawagan ko ng ganitong oras na makakapunta after 10 mins. kundi siya lang.
"Tang ina kasing love na yan eh. Nakakabwiset!" Napakamot nalang ako ng ulo at napatalukbong na unan. Medyo nahihiya rin ako kay Cherry kasi first time niya nakitang ganito ako.
"Hahaha. Ano ba kasi problema?" Lumapit siya sa tabi ko at pinag susuntok tagiliran ko.
"Aray! Meron kasing nag bigay ng flowers kanina kay Miles. Dapat ako gagawa nun eh! Natabunan nanaman ako." Ang pag mamaktol ko. Ganito talaga ako sa kanya pag may problema direct to the point.
"Eh ang bagal mo ba naman kasi ton! Daig mo pa pagong. You and Miles are friends for a long period of time alam mo ng matagal ka ng may nararamdaman sa kanya. Nag ka boyfriend nga siya, nag break naman sila and now na binigyan ka ng chance pa bebe ka pa. Ano kaba? Make a move na kasi at pag hindi nag work, just give up and move on. Maraming babae sa mundo." Ang seryosong pag sasabi niya. Kaya ko siya nagustuhan maging bestfriend kasi palagi siyang nasa right timing. Alam niya kung kelan ako papasayahin pag malungkot, kung kelan ako papakalmahin at kung ano ano pa. Kilala niya talaga ako. I can't live without her.. without my bestfriend.
"Nag hahanap lang kasi ang ng right timing. Hindi ko naman alam na may gagawa pa nun." Ang pag tatanggol ko sa sarili.
"Kaya nga another chance, ba't mo pa palalampasin? Kilala mo man si Miles hindi mo naman hawak mata at puso niya pati ng ibang tao para sa kanya. Gets mo ba?" Hindi talaga ako mananalo sa babaeng 'to bakit ka ganyan Cherry!
"Okay, okay. It's my fault. Then what should I do now DJ Cherry? Haha." Ang sabi ko na nag patawa rin sa kanya.
"Bilib ka nanaman! Haha. Sabihin mo na kagad sa kanya nararamdaman mo. Teka, kilala niyo ba kung sino nag bigay ng flowers?" Ang tanong niya.
"Nope. Secret Admirer eh." Nakakaasar talaga pag lalo kong naaalala.
"Eh yun naman pala eh! Hindi pa nila kilala. Then take the chance now! Aminin mo na sa kaya habang hindi pa naimin yung guy." Ang sabi niya na nag paliwanag saking mga mata.
"Salamat Bestfriend. Malupet ka talaga! Tara kain tayo sa labas. My treat!" Ang sabi ko. I'm lucky to have this girl as my bestfriend.
Secret Admirer, uunahan na kita. Hindi ko hahayaang may mauna pa sakin kay Miles this time.
--
A/N:
Ang tagal kong hindi nakapag update! Hahazar. Kamusta kayo? :) Keep on reading guyth! Lavyu all. :*
Iamleezy
BINABASA MO ANG
I never knew
Teen FictionEverything is okay until I knew that he was the guy I've waiting for a long time...