Chapter 8 (Heartache)

104 3 0
                                    

JM'S POV

.

.

.

.

Andito kami sa starbucks ngayon. Ewan ko ba sa babaeng 'to kung anong problema.

"JM, ano bang dapat isipin ko? Hindi nag tetext si aron. At pag natawag ako ayaw sumagot."

"May iba na yan. Hahahaha. Wala kana. Hindi kana niya mahal. Awtsuu."

Nagulat ako ng umiyak siya at sinabi... "Seryoso kasi ako. Ayoko mawala siya."

"Hala miles, joke lang yun." Tumabi ako sa kanya at sinabi "Ano kaba. Baka busy lang siya. Akin na number try kong tawagan."

"Oh eto oh." Binigay niya sakin number ni Aron. Lumayo ako sa kanya at tatawagan ko. "Oy JM ba't ka lumayo?!"

"Relax ka lang jan Mi-les I'll be right back. *Winked"

Tinatawagan ko na. Nag ri-ring naman. Pero ang tagal sumagot. Sana sagutin ito.

On call..

"Hello?" WTF? Boses babae 'to ah?

"Hello. Anjan ba si Aron?"

"Why? Sino sila?"

"Kaibigan niya. And how about you? Ano ka ni Aron?"

"None of your business. Bye!"

Ay? Bastos yun ah. Psh... sino yun? Ano ni Aron yun? Sasabihin ko ba kay Miles? Pero wag. Mahal niya baka anong mang yare sa babaeng yun. Maka balik na nga dun.

"ANO?! SINAGOT BA?" Bungad niya sakin.

"Hindi eh. Baka nga busy talaga marci?"

"Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Ngayon lang nangyari 'to. :'(" Naiyak na siya.

I need to have a talk with aron. Hindi ako papayag na niloloko niya bestfriend ko. Halos hindi ko na nga makasama 'tong babaeng 'to dahil sa kanya. Tapos ganun ganun nalang? Paiiyakin niya 'to? HINDI PWEDE. Makahanap na nga lang ng place na pag gagalaan namin nitong babaeng 'to. Ayokong umiiyak siya.

"OA mo. Hindi lang nakapag text. Tara punta tayo sa EK(Enchanted Kingdom)"

"Dati niyayaya kita ayaw mo. Tapos kung kelang wala ako sa mood at pang starbucks lang dala ko nag yaya ka."

"You have to get your good mood back. Don't worry mi-les, it's my treat."

"Hmm. Okay Josefa. *wink" Did she just winked at me?

"Ang cute..." WTF? Ba't ko nasabi yun? Baka lumaki ulo nito. Hahaha.

"Ako? Alam mo yan. Hahaha."

"Hindi ikaw. Duh! That hot chick." Tinuro ko yung magandang babae dun. Para sabihin niyang hindi ako nag papalusot.

Tumingin muna siya mga 3mins. "True."

"Tara na EK na tayo." Inakbayan ko na siya.

Sumakay na kami sa car ko. Medyo malayo ang EK from Manila so baka matagalan kami sa byahe. It's 2:30pm palang naman. Buti nalang dinamihan namin yung binili namin sa starbucks. Patuloy parin ang pag da-drive ko. Siya? Ayun tulog. Inaantok kakaiyak. Ayoko ng ganito siya. Nakaka-badtrip talaga. Pero ano yung kanina? Sino yung babae? Bakit ayaw niya sabihin kung ano siya ni Aron? Pano pag nasaktan ko bestfriend ko? Ano ng gagawin ko? Okay masyado na akong maraming tanong.

Grabe ang traffic! Hindi parin ako makaisip ng paraan para mamaya. Ayoko ng ganito. Ayoko ng iiyak ang bestfriend ko.. Alam ko na! Kakausapin ko nga muna talaga si Aron. Tutal asa akin naman yung number niya. Teka, tutuloy ko pa ba sa EK? Oh wag na. Kaso baka mag mukmuk lang 'to sa bahay nila. Mas maganda na mag karon siya ng kasiyahan sa ngayong araw na ito para hindi naman siya mamroblema.

"Hmm. Jm? Asan na tayo?"

"Oh, matulog ka pa. Medyo malayo pa. Traffic eh."

"Gusto mo pa ba ituloy yung sa EK? Baka kasi hindi mo kaya byumahe ng matagal?"

"Wow at sa'yo pa talaga nanggaling yan ah. I'm not like you. Haha. Don't you trust me dear?"

"Don't call me dear. Duh! Haha. Okii. I'll sleep muna."

"Whatever marci."

Calling...

May tumatawag sakin? Unknown number. Psh. Sino kaya ito?

"Hello?"

"Sino ito? Anjan si Miles?" Ha? Teka. Kanino ba 'tong CP ang hawak ko?

AY PUCHA. Kay miles pala ito. At my life ang contact name ng tumawag. "Oh, is this aron?"

"Speaking. And who are you?"

"MM's Bestfriend. Joseph Marco Fetizanan." Your worst nightmare.

"Oh pare. Ikaw pala yan! Ah-eh, asan si baby?" Woah? Baby.

"She's sleeping. Why?"

"Where are you guys? May sasabihin lang sana ako sa kanya."

"At my car. Pwede mo naman sabihin sakin."

"Dude, we have this P-R-I-V-A-C-Y. Privacy! Haha."

"Woah. You don't have any rights to shout at me."

"What's your problem? Ha?"

"You. Tumawag ako sa'yo kanina tapos may sumagot na BA-BA-E."

"Ah-eh. That's my sister! Hm."

"Ayusin mo lang pre. Bestfriend ko ata ang niloloko mo. Bestfriend ni JM."

I hang up. Psh. Humanda talaga sakin yun! Putcha. Ako pa ba ang gaganunin niya. Since na badtrip na ako wala na akong gana pumunta sa EK.

"Ang ingay mo naman JM. Sino ba kausap mo sa phone?" Gising na si mi-les.

"Your BOYFRIEND."

Nanlaki mata niya at tuwang tuwa siya. "WHUT? Waaaa. Ano sabi niya? Akin na nga CP ko!"

"Uwi na tayo. Nag text nanaman siya sa'yo. Tinamad narin naman na ako."

"Ta-ta-tang i-ina."

Lumingon ako tapos nagulat ako ng umiyak nanaman siya. "OY! Ba't ka umiiyak?!"

"Wa-wala. Let's ju-just go home, please."

"WE'RE NOT GOING ANYWHERE HANGGA'T HINDI MO SINASABI KONG ANONG NANGYAYARI!"

"Si-si Aron." Lalo siyang humagulgul. ANO BA NANGYARE?!

"Bakit?! Ano ginawa niya?!"

Huminga siya ng malalim habang natulo mga luha niya "Let's go home."

"I told you! We're not going anywhere until you tell me what's happening."

"We're break. Happy?"

"HA? ANO? PANO?"

--

I'll end the chapter here. :) Thanks sa mga nag babasa! :) Comments and Votes are accepted. :) Godbless!

I never knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon