A/N: 3RD TO THE LAST CHAPTER NA PO ITO KAYA MAHABA :)
*** EMIRCengotko nandyan na yung request mo! hahaha nahirapan akong isingit yung request mo kasi nakalimutan ko! Naalala ko nalang nung nagawa ko na kaya siningit ko nalang. . mwuaaahHH!!! ***
PJ's POV
“Thea lumabas ka naman please! Mag usap tayo!. . “
Pinutol na ni Thea yung tawag nya pero alam kong nasa paligid lang sya. . .Alam kong naririnig nya akong nag susumamo dito.
“Theeeaaaaaaaaaa!!!!.”
“Pre! PJ. . Anong problema?!” -Paolo
“Si Thea pare si Thea. . .”
Hindi ko na alam kung paano ako mag sasalita. Bakla na kung bakla pero nakaupo na ako dito at umiiyak.
“Pare tama na.. “ -Paolo
“Pare si Thea. . .nandito lang sya bakit ayaw nyang mag pakita sakin!”
“Siguradong may dahilan sya pre. . Malalaman mo din yon.” -PJ
“Hindi naman ako galit sayo Thea!!. . “ Sigaw ko sa kawalan sa pag babakasakaling naririnig nya ako.
“Mag simula tayo ulit please wag kang umalis!. . Wag mo kong iwan!. .alam kong naguguluhan ka lang sa lahat ng nangyayari pero Thea naman wag mo naman akong iwan!.”
“Pre tama na. . Pinag titinginan ka na.” -Paolo
Nakita ko ngang may mangilan ngilan na nakatingin sa akin. Meron pa ngang nag kukuha ng picture or video ata. .
“kayo ha! Anong gusto nyong malaman?!. . .gusto nyong malaman kung anong iniiyak ko dito ha?! Tangina mag palit nalang tayo ng sitwasyon! Kayo dito at ako ang makikiusyoso dyan para malaman nyo kung gano kasakit!.. masakit dito oh! Dito!. . “ Tinuturo ko yung puso ko na hindi lang ata masakit ngayon. Pakiramdam ko unti unti ng namamatay yung puso ko.
“Pre tama na. . Halika na.” -PJ
“Hindi pre eh. . Ang sakit eh. . Alam ko naman nag kamali ako eh kahit habang buhay akong humingi ng tawad sa kanya wag nya lang akong iwan pre. . “
“Oo naiintindihan kita pre magiging okay din ang lahat.”
Nakayuko lang ako habang umiiyak nung maalala ko yung sinabi nya na. . .
“Sa bubong ng kotse mo PJ. . . I'm sorry. . .”
Napatayo ako bigla at bahagya pang nagulat si Paolo na nakatayo lang sa tabi ko. . Akala siguro manunugod ako.
BINABASA MO ANG
How will I fall in love with you? [COMPLETED] SPG
Romance5 years ago, si Althea Alvarez-Gonzales ay ikinasal kay Carlo Gonzales. She was 18 then and Carlo was 19. . but unfortunately, they were only married for 1 day. . Carlo died the day after they got married because of a car accident. .Hanggang ngayon...