Chapter 17 ( PATTTAAAAYYYY!!!! )
Tang ina ka David!!!. . ..
Parang gustong basagin ni PJ sa pag mumuka ni David ang gitarang hawak nya pero nag pipigil sya. Unang una wala sya sa bahay nya at pangalawa baka magalit pa sa kanya si Thea.Kalma lang PJ, kalma lang. . haysss
Nanatili syang nakasilip sa may bintana. Nag uusap pa si Thea at David. . wala si Carla. .
Nasan kaya yon. . akala ko ba mag kasama sila. . bakit silang dalawa lang ni David ang mag kasama.
Maya maya pa ay papasok na si Thea. . at kasunod si David. . .Hindi nya alam kung mag tatago ba sya at aalis na lang oh ipapaalam pa kay Thea na nandun sya. .Pero naisip nyang umalis na lamang.Buti nalang at hindi nya ipinark ang kotse sa tapat ng bahay nila Thea para hindi nito agad malaman na nandoon sya. . .pumunta na sya sa back door bitbit ang gitara nya nakita nya si Aling Thess doon.
"Aling Thess alis na po ako. . .salamat po."
"ha?.. bakit? nandyan naba si Thea?. . bakit dito ka sa likod dadaan?"
"Nandyan na po. may kasama po . . sige po alis na ko. wag nyo na lang pong sabihin na dumaan ako. salamat po.. . "
"Pero hijo. . "
"Aling Thess???". . .Si Thea na iyon na nakapasok na sa bahay.
Hay itong mga kabataan na to talaga. . ."Oh Thea nandito ako sa likod."
"Okay po. kain lang kami"
"Sige iha naka ready na dyan sa lamesa."
Hmm?. .. naka ready agad?. .-Thea's POV
Pag punta sa dinning area ni Thea ay nagulat sya sa table setting. .ganitong ganito ang ayos ni PJ noong ipinag luto sya nito ng sopas. . Nakasunod naman sa kanya si David na kaya nya lang pinapasok ay nangungulit. Sinabi pang luluhod sya sa tapat ng bahay nila kapag hindi sya pinapasok.
"Wow Italian. . specialty ba ng cook nyo to?" Si David iyon. .
"Hindi. . " Nag tataka si Thea kung bakit italian cuisine ang nakahain. . favorite nya. . alam ni Aling Thess na mahilig sya sa italian foods pero never itong nag luto. . usually pag nag rerequest sya dito ay umoorder lang ito. Hindi kasi ito expert sa italian cuisine. .
"Ahh so pina order mo to?"
"Hindi rin. kumain ka nalang dyan."
Iniwan nya si David sa dinning area at pumunta sa back door kung nasaan si aling Thess. . Nag aayos ito ng mga naka tambak doon.
"Aling Thess. .ikaw nag luto?"
"inorder ko lang yan. . alam mo namang hindi ako marunong mag luto ng italian foods."
BINABASA MO ANG
How will I fall in love with you? [COMPLETED] SPG
Romance5 years ago, si Althea Alvarez-Gonzales ay ikinasal kay Carlo Gonzales. She was 18 then and Carlo was 19. . but unfortunately, they were only married for 1 day. . Carlo died the day after they got married because of a car accident. .Hanggang ngayon...